Ivana dinipensahan ng Star Magic tungkol sa pag-alis sa Batang Quiapo
IPINAGTANGGOL ng Star Magic ang Kapamilya actress na si Ivana Alawi tungkol sa pag-alis nito sa aksyonserye na “FPJ’s Batang Quiapo”.
Sa pamamagitan ng inilabas nitong official statement ngayong araw, July 17, nilinaw ng Star Magic ang dahilan sa pag-alis ng dalaga.
Pinabulaaanan rin nila ang mga kumakalat na chikang dahil raw sa attitude nito at kasamahang ayaw makatrabaho kaya nagdesisyon itong mag-exit sa teleserye.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi susunod na bang matsutsugi sa ‘Batang Quiapo’?
View this post on Instagram
“Nais ipaalam ng Star Magic na walang katotohanan ang mga bali-balitang lumabas tungkol sa dahilan ng pag-alis ni Ivana Alawi sa FPJ’s “Batang
Quiapo.
“Magmula nang naging parte si Ivana ng serye, mainit ang naging pagtanggap ng publiko sa karakter ni Ivana na si Bubbles,” panimula ng Star Magic.
Bukod pa rito, mainit rin ang pagtanggap ng publiko sa tambalan nila kaya naman nagtagal ang dalaga sa teleserye na lumagpas pa sa naunang napagkasunduan na tatlong buwan.
“Nagpapasalamat kami sa dedikasyon, pagmamahal at masayang samahan na ipinamalas ni Ivana sa kanyang mga katrabaho, at sa pagbibigay serbisyo sa manonood,” sey pa ng Star Magic.
Dagdag pa nito, “Lubos din ang passalamat namin kay Coco at lahat ng bumubuo ng ‘Batang Quiapo’ sa oportunidad na ibinigay kay Ivana na maging bahagi ng nangunugnang teleserye. Salamat sa inyong pang-unawa at suporta.”
Matatandaang naging usap-usapan sa social media kung ano nga ba ang tunay na rason sa pag-alis ng dalaga gayong maganda ang larakter nito sa teleserye.
May ilan na nagsasabing nahihirapan na sa schedule si Ivana, meron rin na nagsasabing may attitude problem ito at ang huli ah ayaw raw kasi nitong makatrabaho ang Kapuso star na si Kim Domingo.
Samantala, nilinaw naman ng kanyang manager na walang katotohanan na masama ang ugali ng aktres at hindi ito nakikihalubilo sa mga kasamahan.
Wala pa namang pahayag si Ivana tungkol sa mga isyung kinakaharap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.