Atasha mas makapal ang mukha kesa kay Andres: Thank you po!

Atasha mas makapal ang mukha kesa kay Andres: Compliment ba yan?

Reggee Bonoan - July 16, 2024 - 11:17 AM

Atasha mas makapal ang mukha kesa kay Andres: Compliment ba yan?

Atasha, Andres, Aga Muhlach at Charlene Gonzalez

MAS makapal daw ang mukha ni Atasha Muhlach kesa sa kakambal niyang si Andres dahil hindi raw nahihiya ang dalaga sa harap ng camera.

Kitang-kita rin naman kasi kung ano ang pinaggagawa ng anak nina Aga at Charlene Muhlach sa “Eat Bulaga” na isa rin sa dahilan kung bakit tuwang-tuwa sa kanya ang hosts na sina ex-Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon isama pa ang mga nanonood ng programa.

Baka Bet Mo: Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe

Obviously, komedyana ang nakikitang forte ni Atasha kaya malaking factor din na kasama siya sa sitcom nilang pamilya, ang “Da Pers Family” na mapapanood na sa Hulyo 21, Linggo, 7:15 ng gabi.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ito’y mula sa direksyon ni Danni Caparas na siya ring direktor ng “Okay Fine Whatever” na pinagbidahan nina Aga Muhlach, Bayani Agbayani at Edu Manzano, at iba pang programa sa ABS-CBN noon.

Going back to Atasha, masaya ang experience niya sa “Da Pers Family” na nakapag-taping na ng anim na episodes at para sa kanya ay walang pagbabago dahil kung ano raw silang pamilya sa bahay nila ay ganito rin ang dynamics nila sa kanilang programa.

“Masaya kasi parang katulad sa bahay talaga, really like it feels at home, you see the banter, ‘yung relationships and dynamics.

“And siyempre every family has certain problems in life that is good and bad, so, it’s really something that I hope it’s really relatable to everyone who watch it,” paglalarawan ng dalaga sa takbo ng sitcom nila.

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach 10 years old pa lang gusto nang mag-showbiz pero sinunod muna ang payo nina Aga at Charlene; gagawa ng pelikula, album sa Viva

Inakala naman ni Atasha na ‘yung sinabing “makapal ang mukha niya” ay negatibo pero nang sabihing compliment ito ay natuwa siya.

“Compliment ba ‘yan? Thank you Direk!” say nito nang makatsikahan siya pagkatapos ng mediacon.

Sa kuwento ng “Da Pers Family” ay may ka-partner si Andres, si Heart Ryan pero si Atasha ay wala at hindi naman daw siya naiinggit dahil mas gusto niyang magsolo muna.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TV5 (@tv5manila)


“Hindi ako inggit kasi I’m really enjoying work talaga sa totoo lang,” natawang sagot ng dalaga.

Paano kung bibigyan din siya ng ka-loveteam, “I don’t know. We’ll see kasi nasa episode 5 taping now where the story goes.”

Wala namang problema kung bibigyan ng love interest si Atasha basta trabaho lang daw at wala rin siyang particular na pangalan ng aktor kung sino ang gusto niya, bahala na raw ang management kung sino ang ilalagay.

Samantala, maganang kumain si Atasha at hindi siya nahihiyang kunan ng video habang kumakain at ibinuking din naman siya ng magulang niyang sina Aga at Charlene na nawawala ‘yung mga props nilang tinapay sa set dahil kinakain ito ng anak.

May negosyong bakery ang Da Pers Family at maraming tinapay daw talaga ang nasa harapan nila at unti-unti raw itong nawawala.

“Minsan po nahihiya rin akong kumain pero pag gutom ako sinasabi ko talaga,” say ng dalagang Muhlach.

Ang maganda pa kay Tash (palayaw ng dalaga) ay hindi siya mapili sa pagkain pati street food ay kumakain siya lalo na ang fish balls.

“Sa bahay po lagi kaming may food kaya kain kami nang kain especially pag pagod ako,” saad ng aktres.

Dagdag pa kung bakit magana siyang kumain, “Feeling ko kasi matangkad si Andres kaya nasa kanya lahat ng nutrients.”

Anyway, siguradong halo-halong emosyon ng lungkot at katatawanan ang hatid ng “Da Pers Family” sa mga viewers at ito rin ang pinakahihintay na reunion nina Aga at Charlene sa kanilang mga dating kasama sa “Oki Doki Dok” na sina Bayani Agbayani, Roderick Paulate, at ng “Oki Doki Dok” director na si Direk Danni Caparas.

Kasama rin sa cast ng “Da Pers Family” sina Ces Quesada, Heart Ryan, Chad Kinis, Kedebon Colim, Sam Coloso, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ito tuwing Linggo, simula Hulyo 21, 7:15 p.m. sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending