Long working hours inireklamo ni Snooky: Minsan hindi na makatarungan!
TUMATANAW ng malaking utang na loob ang aktres at content creator na si Snooky Serna sa showbiz pero may mga reklamo rin siya sa mundong kinalakihan niya.
Nagpakatotoo si Snooky nang mapag-usapan kung anu-ano ang mga gusto at hinaing niya sa Philippine Entertainment industry na naging pangalawang tahanan na niya sa loob ng ilang dekada.
Naging special guest ng Original Concert Queen na si Pops Fernandez sa kanyang YouTube channel si Snooky at napag-usapan nga nila ang naging journey ng aktres sa pagiging artista mula noong nag-start siya bilang child star.
Baka Bet Mo: Maricel nanapak ng lalaki matapos bastusin si Snooky sa shooting: In-uppercut ko talaga, e, di nakatikim siya!
Isa sa mga unang naitanong ni Pops kay Snooky ay kung bakit hindi nag-showbiz ang dalawa niyang anak na sina Samantha at Sachi sa ex-husband niyant aktor na si Ricardo Cepeda.
“Ayaw nilang mag-showbiz. They’re not particularly fond of showbiz,” sagot ng premyadong aktres na 3 anyos pa lamang ay nag-artista na.
View this post on Instagram
Sa tanong kung naging mabait ba sa kanya ang showbiz, “I’ve always been treated with concern, with understanding, with love, and support.
“I’m thankful that nakatagal ako ng ilang taon, nakatagal ako ngayon because I love acting. But it’s not necessary that I love everything about showbiz,” aniya.
“I hate manipulation, I hate the hypocrisy, I hate the long working hours na kung minsan hindi na makatarungan,” ang pag-amin ni Snooky.
Dagdag ng aktres, “Yun sana wini-wish kong mabago. I wish that sana our filmmakers, our producers, or people who are in higher authority to be more considerate.
“I feel for the talents. I feel for the crew members na they don’t have the luxury of having a standby area, lalo pa ang init ng panahon, malamig, hindi na natin makontrol yung pagka-weird ng weather ngayon,” sabi pa ni Kukay.
View this post on Instagram
Samantala, nausisa rin si Snooky kung sino sa dalawa niyang anak ang pinaka-favorite niya, “I always say this, magalit na ang magalit, but favoritism for me is sick.
“Kasi pareho iyang nanggaling sa womb mo, e. How in the world will you have favorites?
“Sabihin na natin yung isa mas malambing, yung isa mas maasikaso, but, ewan ko, I don’t get that favoritism thing. So para sa akin, pareho silang close sa akin,” sabi pa niya.
Pareho na ngayong independent ang kanyang mga anak at may sari-sarili nang bahay pero hindi naman daw siya nagkukulang bilang ina sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.