BINI,SB19 nagpasiklab sa sold-out ‘Nasa Atin ang Panalo’ concert
SUMAKIT ang ulo’t tenga namin sa hiyawan ng mga supporters ng grupong BINI at SB19 sa katatapos na “Nasa Atin ang Panalo” concert nitong Biyernes, July 12 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum handog ng Puregold para sa kanilang loyalistang mamimili.
It’s a sold-out concert for BINI at SB19 kasama rin sina Flow G collab with Scusta Clee and Gloc 9 at unang nag-perform ang Sunkissed Lola na isinabay na rin sa kaarawan ni Mr. Vincent Co, President ng Puregold Priceclub, Inc.
Dahil sa tagumpay ng Nasa Atin ang Panalo concert ay dapat itong ipagpasalamat sa Festival Director/Creative manager na si Chris Cahilig.
Baka Bet Mo: BINI Mikha may ‘knee injury’, pero sorpresang nag-perform pa rin sa concert
Hindi pa namin personal na nakikilala ang miyembro ng BINI kaya tiyak na hindi namin sila makikilala kapag nasalubong namin sila somewhere else.
Sa performance nilang “Lagi”, “Huling Cha-Cha”, “Huwag Muna Tayong Umuwi”, “Salamin, Salamin” at “PanTropiko” ay walang tigil ang hiyawan mula sa Patron hanggang sa upper box section with matching pailaw pa at may halong padyak pa kaya naaliw na lang kaming panoorin ang supporters na hindi magkandaugaga sa pagkuha ng video.
Mas lalong dumagundong ang buong Araneta nang lumabas ang isa sa miyembro ng SB19 para makisayaw sa Salamin-Salamin number ng BINI at nakakatuwa rin dahil ang lambot ng katawan.
At nang pumasok na ang SB19 wala na tuluyan ng nagwala ang lahat kanya-kanyang banggit ng pangalan ng mga miyembro ng Boy group.
Hataw agad sila sa unang performance na Gento at nagulat kami na nakipagsabayan ang apat na miyembro ng BINI sa hatawan, ang galing nila! Akala kasi namin ay puro pa-cute lang ang sayaw nila, may pang malakasan din pala.
Isa pang na appreciate naming sa lahat ng performers ay panay ang pasasalamat nila sa bawa’t isa, Flow G, Sunkissed Lola, BINI at SB19 t higit sa lahat, siyempre pinasalamatan nila ang Puregold dahil bukod sa concert ay kinuha na rin silang endorsers.
Ang tanong ng lahat, taun-taon na bai tong gagawin ni Ginoong Vincent Co ang Nasa Atin ang Panalo concert para sa kanilang mga customers tulad din ng CinePanalo Film Festival na may 2nd year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.