Marian hiniritan ng contestant na i-translate sa English ang tanong

Marian hiniritan ng contestant na i-translate sa English ang tanong

Ervin Santiago - July 10, 2024 - 10:41 AM

Marian hiniritan ng contestant na i-translate sa English ang tanong

Marian Rivera at Jether Palomo

NAKAKALOKA ang ginawa ng isang contestant sa ginanap na Century Tuna Superbods competition kay Marian Rivera na isa sa mga umupong hurado.

Trending sa X (dating Twitter) ang name ng Kapuso Primetime Queen matapos kumalat ang video ng Q&A portion kung saan tinatanong ni Marian ang male contestant na si Jether Palomo.

Ang question ng wifey ni Dingdong Dantes, “Dumami ang followers mo sa social media nu’ng naging finalist ka. Paano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang kompetisyon na ito?”

Baka Bet Mo: Robi Domingo napiling host ng Idol Philippines; Chito Miranda, Gary Valenciano bagong mga hurado

Sandaling natigilan ang lalaking candidate saka nag-request kay Marian, “I’m sorry, can I get English please?”

“I would try my best,” ang nakangiting tugon naman ni Marian sa kanya sabay dialogue ng, “Are you ready for this? Listen very carefully. Here’s my question.

“Your social media following grew when you become a finalist, how would you use this opportunity even after your Superbods journey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


“I think you understand that,” ang pagta-translate ng aktres at TV host sa tanong.

Baka Bet Mo: Robi Domingo napiling host ng Idol Philippines; Chito Miranda, Gary Valenciano bagong mga hurado

Sigawan at palakpakan naman ang audience sa pagiging game ni Marian at napagbigyan nga nito ang request ng male contestant.

Sa ending, si Jether Palomo ang nanalo sa naturang kumpetisyon para sa male category, habang sa female category naman ay wagi si Justine Felizarta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hakot King din si Jether sa naganap na pageant dahil sa dami ng nakuha niyang special awards kabilang na ang People’s Choice Award, Perfect Smile Award, at Jojo Bragais Slay The Runway Award.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending