Cebuano singer napanganga ang judges ng America’s Got Talent

Cebuano singer ‘napanganga’ ang mga hurado ng ‘America’s Got Talent’, umani ng standing ovation

Pauline del Rosario - June 15, 2023 - 03:53 PM

Cebuano singer ‘napanganga’ ang mga hurado ng ‘America’s Got Talent’, umani ng standing ovation

PHOTO: Screengrab from Facebook/America’s Got Talent

ISANG Pinoy nanaman ang nagpasiklab ng galing sa talent competition na “America’s Got Talent.”

Siya’y walang iba kundi si Rolando “Bunot” Abante na tubong Cebu.

Sa umpisa ng kanyang audition, makikita na inusisa pa siya ng ilang sikat na judges na sina Heidi Klum at Simon Cowell.

Tinanong siya ni Heidi kung singer ba siya sa Pilipinas.

Ang sagot naman niya sa pamamagitan ng kanyang translator ay mahilig lang daw siyang kumanta sa karaoke kasama ang mga kapitbahay.

Baka Bet Mo: Derek Ramsay ‘semi-retired’ na sa showbiz; Alden Richards hinarana, pinakilig ang mga Cebuano

Inalam naman ni Simon kung ano ang pinagkakakitaan ni Rolando at ipinaliwanag ng Cebuano singer na siya raw ay mangingisda sa umaga, habang pagdating ng hapon ay naghahabal-habal siya.

Tinanong ulit siya ni Heidi kung bakit napili niyang sumabak sa AGT, bigla namang napaiyak si Rolando at inamin niyang “biggest dream” niya ang makasali sa nasabing kompetisyon.

Ibinahagi pa nga niya na tuwing gabi niya sinusubaybayan ang naturang show.

Kinaantigan naman ni Heidi ang sinabi ng singer at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

Halata ang kaba sa mukha ni Rolando, pero nang mag-umpisa na siyang kumanta ay kitang-kita ang pagkamangha ng apat na judges at ng mga manonood.

Lahat sila ay tila sabay-sabay na napanganga sa ganda ng boses ng Cebuano singer.

Ang inawit niya ay ang hit song na “When a Man Loves a Woman” ni Michael Bolton.

Dahil sa ipinakitang gilas ni Rolando, umani siya ng bonggang standing ovation mula sa mga audience at apat na hurado.

“I have a feeling you’re gonna have to stop fishing because this is where you needed to be,” sey ng isa sa AGT judge at aktres na si Sofia Vergara.

Kahit si Simon, napa-wow at sinabing nagustuhan niya ang naging audition ni Rolando.

“You were so nervous. I genuinely thought for one moment you were not gonna be able to do this,” sambit niya.

Aniya pa, “And then, THAT happened, and it actually made me love this audition even more and I really like you, that was a great audition.”

Sa huli, apat na “yes” ang nakuha ni Rolando mula sa mga hurado ng AGT at naka-bonus pa siya ng isa pang yakap mula kay Simon.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jolo Revilla nag-sorry sa mga Cebuano; sablay ang post tungkol kay Lapulapu

Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending