Jolo Revilla nag-sorry sa mga Cebuano; sablay ang post tungkol kay Lapulapu | Bandera

Jolo Revilla nag-sorry sa mga Cebuano; sablay ang post tungkol kay Lapulapu

Ervin Santiago - April 27, 2021 - 08:20 PM

NAG-SORRY agad si Cavite Vice Governor Jolo Revilla dahil sa sablay na Facebook post tungkol sa paggunita sa anibersaryo ng historic Battle of Mactan ngayong araw, April 27.

Nagkamali kasi ang actor-politician sa pangalang nabanggit sa kanyang FB status — sa halip na Lapulapu ay si Ferdinand Magellan ang nakasulat dito.

Ipinagdiriwang ngayong araw ang 500th Anniversary of the Victory at Mactan (Battle of Mactan) na nangyari noong April 27, 1521 kung saan natalo ng grupo ni Lapulapu, (isa sa mga datu ng Mactan, Cebu), ang tropa ng mananakop na Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan.

Ayon sa unang post ni Jolo na burado na ngayon, “Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 taon na ang nakaraan.

“April 27, 500th Anniversary of the Victory at Mactan,” sabi pa sa mensahe ng anak nina Bong Revilla at Lani Mercado. Kalakip nito ang ang monumento ni Lapulapu.

At dahil mabilis na kumalat ang FB post ni Jolo marami ang nakapansin sa nasabing pagkakamali. Kaya naman agad itong binura ng aktor sa kanyang Facebook page.

Humingi siya ng paumanhin sa  pangyayari at sinabing nagkamali sa pagpo-post ang kanilang social media intern dahil hindi raw muna niya ito pinaaprubahan sa mga kinauukulan.

Paglilinaw ni Jolo, “I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-lapu’s victory in Mactan 500 years ago.

“An intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it.

“Again, my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending