Derek Ramsay 'semi-retired' na sa showbiz; Alden Richards hinarana, pinakilig ang mga Cebuano | Bandera

Derek Ramsay ‘semi-retired’ na sa showbiz; Alden Richards hinarana, pinakilig ang mga Cebuano

Ervin Santiago |August 15,2022
facebook
share this

Derek Ramsay ‘semi-retired’ na sa showbiz; Alden Richards hinarana, pinakilig ang mga Cebuano

Ervin Santiago - August 15, 2022 - 03:11 PM

Alden Richards, Ellen Adarna, Derek Ramsay at Elias Modesto Cruz

“SEMI-RETIRED” kung ilarawan ng hunk actor na si Derek Ramsay ang current status niya sa entertainment industry.

Mas gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang pamilya ngayon lalo na sa married life nila ng asawang si Ellen Adarna.

Kuwento ni Derek, napakarami niyang realizations at natutunan sa buhay simula nang magkaroon ng pandemya at mula noong magdesisyon siyang bumuo na ng sariling pamilya.

View this post on Instagram

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07)


“I’m really enjoying family. Ngayon talaga I’m really bonding with Elias, with my wife Ellen,” pahayag ng aktor sa panayam ng “24 Oras.”

Nilinaw naman ng mister ni Ellen na mahal pa rin niya ang showbiz at hindi niya tuluyang isinasara ang kanyang puso at isipan sa muling pagharap sa mga camera.

“Kapag meron akong nabasang script na bubuhayin ang dugo ko eh, (why not),” sabi pa ng aktor na siya ring tumatayong ikalawang ama ni Elias Modesto, ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz.

Ikinasal sina Derek at Ellen noong November, 2021 makalipas lamang ang ilang buwan nilang relasyon.

* * *

Hindi natinag ang mga Kapusong Cebuano sa ulan nitong Sabado at talagang inabangan si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Kapuso Mall Show nito kasama ang fellow “Start-Up PH” stars na sina Jeric Gonzales, Boy2 Quizon at Royce Cabrera.

Ito ang kauna-unahang mall show ng upcoming TV series na pagbibidahan nina Alden at Bea Alonzo.

Lubos ang pasasalamat ni Alden na mula noong unang regional mall show niya na ginanap din sa Cebu hanggang ngayon, ay di pa rin nawawala ang suporta ng mga Kapusong Cebuano sa kanya.

View this post on Instagram

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Hindi naman binigo nina Alden ang mga matiyagang naghintay sa kanila dahil pinakilig nila ang mga fan sa kanilang panghaharana.

Nagpaalala din si Alden sa mga naroon, lalo na ang mga nabasa sa ulan, na agad maligo pagkauwi upang hindi magkasakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malapit nang mapanood ang “Start-Up PH” sa GMA. Asahan naman ang upcoming Kapuso Mall Shows sa iba’t ibang panig ng bansa hatid ng GMA Regional TV.

Derek takot na takot nang magka-COVID ang magulang: The scariest thing I’ve experienced in my life

Derek gusto pang magkaroon ng mga baby: I want a boy, Ellen wants a girl

‘Retired’ — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana’y magka-project uli siya sa GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending