BINI, SB19, Flow G, SunKissed Lola bumandera sa 'Bar Code'

BINI, SB19, Flow G, SunKissed Lola bumandera sa ‘Ped Xing Bar Code’

Ervin Santiago - July 07, 2024 - 11:12 AM

BINI, SB19, Flow G, SunKissed Lola bumandera sa 'Ped Xing Bar Code'

Ang customized pedestrian lanes sa Araneta City para sa “Nasa Atin ang Panalo Thanksgiving Concert sa Araneta Coliseum kung saan nakasulat ang SB19, BINI, Flow G at SunKissed Lola

TUMAMBAD sa mga commuter at motorista na dumadaan sa Araneta City, sa Cubao, Quezon ang isang makulay at napaka-creative na “pedestrian lane“.

Matatagpuan ito sa corner ng General Malvar at General Aguinaldo Avenue, kung saan ang dating white pedestrian na makikita rito ay isa nang “eye-catching street art”.

Baka Bet Mo: Motorcycle riders na dadaan sa EDSA bike lanes pagmumultahin ng P1,000

Ito’y talagang ginawa lamang para sa pinakaaabangang musical event of the year – ang “Nasa Atin ang Panalo Thanksgiving Concert” mula sa Puregold.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by THE FIRST TAKE (@the_firsttake)


Makikita sa espesyal na pedestrian lane ang image ng bar codes na nakikita sa mga items na nasa grocery stores o supermarket.

Two lanes highlight the four artists collaborating with Puregold on their “Nasa Atin ang Panalo” musical initiative— BINI, SB19, Flow G, and SunKissed Lola.

The other two lanes serve as a reminder for the upcoming “Nasa Atin ang Panalo” concert to be held at Araneta Coliseum on July 12th.

Baka Bet Mo: Flow G aprub sa kanta ni Chito; nakipag-collab sa BINI, SunKissed Lola

The pedestrian lanes were designed and executed by a team of artists from Marahuyo Studio kabilang na sina Anthony Marahuyo, John Carlo Decrepito, Paul Denvir Delmonte, John Roland Alipis, Rheydene Ortega, Rica Permejo, Aina Arena, Charmaine Camba, Alexis John Arena, Jefferson Parajas, at Michael Autos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BINI_ph (@bini_ph)


Kamakailan lamang ay in-announce ng mga organizers ng event na sold out na ang lahat ng tickets para sa “Nasa Atin ang Panalo” concert matapos ang isinagawang ticketing events sa Puregold Qi Central, Taytay, at Parañaque branch.

Saksi kami sa pagsugod ng mga supporters ng BINI, SB19, Flow G, at SunKissed Lola sa mga nabanggit na lugar para makauna sa pagkuha ng mga ticket.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa apat na OPM artists, may guest appearance rin sina Gloc-9, Skusta Clee, Letters from June, Esay Belanio, at  Kahel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending