Netizens nagpugay sa fur babies sa Pet Remembrance Day 2024

Netizens nagpugay sa kanilang fur babies sa Pet Remembrance Day 2024

Pauline del Rosario - July 05, 2024 - 12:01 PM

Netizens nagpugay sa kanilang fur babies sa Pet Remembrance Day 2024

GINUGUNITA ngayong araw, July 5, ang “Pet Remembrance Day,” isang espesyal na araw para bigyang-pugay ang ating mga minamahal na yumaong fur babies.

Para sa marami, mahalaga ang papel ng mga alaga nating hayop dahil isa sila mga nagbibigay-saya at liwanag sa ating buhay.

Kaya naman sa pamamagitan ng INQUIRER.net, ibinandera sa buong universe ang walang kondisyong pagmamahal at pagkakaibigan na ibinigay ng ating fur babies.

“On Pet Remembrance Day, we honor our furry friends who have crossed the rainbow bridge too early. Thank you for all the sloppy kisses, endless cuddles, and for making life brighter. We miss you!” saad sa caption.

Baka Bet Mo: Brenda Mage ipinangalan sa mga dating dyowa ang pet dogs: Meet my exes!

Sa comment section, maraming fur parents ang nag-share ng kanilang masasayang alaala kasama ang pet bestfriends nila.

Netizens nagpugay sa kanilang fur babies sa Pet Remembrance Day 2024

PHOTO: Screengrab from Facebook/INQUIRER.net

Netizens nagpugay sa kanilang fur babies sa Pet Remembrance Day 2024

PHOTO: Screengrab from Facebook/INQUIRER.net

Netizens nagpugay sa kanilang fur babies sa Pet Remembrance Day 2024

PHOTO: Screengrab from Facebook/INQUIRER.net

Netizens nagpugay sa kanilang fur babies sa Pet Remembrance Day 2024

PHOTO: Screengrab from Facebook/INQUIRER.net

Samantala, ilan lamang sa mga sikat na celebrities na nagdalamhati ngayong taon dahil sa pagpanaw ng kanilang pet animals ay sina Anne Curtis, Lovi Poe at Sanya Lopez.

Few days ago, ipinagluluksa ni Anne ang pagkamatay ng alagang pusa na si Mogwai.

“On a rainy Sunday afternoon, after almost 11 years of being part out of our family, our dearest Mogwai has crossed over the rainbow bridge [rainbow emoji] He will always be my little gremlin munchkin. Sweet dreams old man. We are going to miss him,” mensahe ng TV host-actress sa Instagram post.

Baka Bet Mo: Furbaby na marunong umuwi mag-isa viral na, netizens bilib na bilib: ‘Forda independent ang dog’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nawalan din ng alaga si Sanya this year –ito ang kanyang stray dog na aspin na si Mackee.

Ibinandera niya sa social media ang ilang memories mula nang inampon niya ito hanggang sa lumaki na ito kasama ang iba pa nilang pet dogs.

“Unang kita palang namin sayo minahal ka agad namin,” caption niya.

Aniya pa, “Sandaling panahon ka lang sa amin pero pinaramdam mo kung gaano mo rin kami kamahal.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Pati si Lovie, nadurog ang puso nang sumakabilang-buhay ang kanyang pet dog na si Phoebe noong Pebrero after 17 years.

Ayon sa kwento ng aktres, nakasama niya si Phoebe hanggang sa mga huling sandali nito.

Inalala rin niya sa IG post ang ilan pang namayapang fur babies na kasama na ni Phoebe.

“Run freely now, Phoebe, and jump around the clouds. Carry my love and kisses to my other cherished angels, Ross, Chibby, Chubby, and Seth [white heart emoji],” wika niya.

Mensahe pa niya sa alagang aso, “I love you always.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending