Furbaby na marunong umuwi mag-isa viral na, netizens bilib na bilib: ‘Forda independent ang dog’
VIRAL sa social media ang isang furbaby na kayang-kayang umuwi nang mag-isa sa kanyang bahay.
Siya si “Fuffy,” ang five-year-old corgi-aspin mix mula sa Mandaluyong City.
Maraming netizens ang napabilib sa alagang aso ni Mitzi Pauline Fabian matapos ibandera sa isang Facebook post ang naging palitan ng mensahe nila ng pet groomer.
Makikita sa ibinahaging screenshot ni Mitzi na kinamusta pa niya ang kanyang furbaby.
“Hello po, musta si Fuffy,” sabi sa text.
Sagot naman sa kanya ng pet salon na matatapos na ang grooming session nito.
At doon na nga sinabi ng furmom na hayaan nalang na pauwiin mag-isa si Fuffy dahil marunong naman daw ito.
Sey sa message, “Ok po. Palabasin nalang po siya tapos message ko po kapag umuwi na siya. Marunong naman po siya.”
Makaraan ang ilang minuto ay nag-update ulit ang pet groomer at sinabing umalis na sa kanilang salon ang alagang aso.
Ilang sandali lamang ay nag-send na ng picture ni Fuffy ang fur mom at sinabing ligtas naman itong nakauwi sa kanilang bahay.
Na-interview ng INQUIRER si Mitzi at naikwento nga niya na madalas nilang isama si Fuffy sa kanilang tailor business na malapit lamang sa grooming shop.
“Isang straight lang naman din po ‘yung nilalakaran niya kaya safe naman po siya [pauwi]. Sanay po siya, ‘di namin siya nile-leash ever since,” paliwanag niya.
Nabanggit pa niya na ito ang unang beses na hindi niya sinundo ang kanyang alagang aso.
Ang viral Facebook post ay umaani na ng mahigit 100,000 reactions at 55,000 shares as of this writing.
Related chika:
Diego Loyzaga super enjoy pa rin sa US, ayaw na nga bang umuwi sa Pinas?
Carla natagpuan na ang tunay na kaligayahan: Saka mo siya malalaman kapag mag-isa ka na…
Fur babies sa Cavite hindi nagpakabog sa larong ‘Bring Me,’ viral sa FB
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.