Diego Loyzaga super enjoy pa rin sa US, ayaw na nga bang umuwi sa Pinas? | Bandera

Diego Loyzaga super enjoy pa rin sa US, ayaw na nga bang umuwi sa Pinas?

Reggee Bonoan |January 31,2022
facebook
share this

Diego Loyzaga super enjoy pa rin sa US, ayaw na nga bang umuwi sa Pinas?

Reggee Bonoan - January 31, 2022 - 12:58 PM

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

MAHIGIT isang buwan na si Diego Loyzaga sa Amerika at tila matatagalan pa bago siya bumalik ng Pilipinas o posible ring hindi na siya umuwi ng bansa?

Sabi nga ng aktor sa nakaraang zoom mediacon ng pelikula niyang “The Wife” kasama sina Cara Gonzales at Louise delos Reyes mula sa Viva Films na idinirek ni Denise O’Hara ay gusto niyang doon na manirahan.

Ang latest post ni Diego sa kanyang Instagram account ay nasa Thornton Winery siya sa Rancho California Road, California kasama ang mga kaanak at kaibigan na dumalo sa farewell party o rehearsal dinner para sa ikakasal na kababayan.

Ang caption ng aktor sa litrato, “Life is good, you know what i mean?”

Fresh na fresh ang aktor at mukhang hiyang nga siya sa Amerika kaya ang komento ng kaibigan niyang direktor na si Fifth Solomon ay, “Ampogi ni Dex.”

Dex ang karakter ni Diego sa pelikulang “Dulo” kasama ang girlfriend na si Barbie Imperial na streaming pa rin sa Vivamax na si Fifth nga ang direktor.

Nagkomento ang netizen na si @camille_escanilla, “@fifthsolomon Dulo is really not hanggang dulo… I’m so sad wala ba tlagang forever.. huhuhuhu.”

Say naman ng mommy ni Diego na si Teresa Loyzaga, “Enjoy, with a grateful heart! Love you anak! I’m so happy for you!!”

Nagtanong si @ehminems, “Life is good, kasi single na ba?”

Paalala naman ni @jhustler21, “Be positive and keep safe.”

May tanong din si @wheyxanyahoocom, “Akala ko pa nman you really love each other, ‘yun pala panandalian lang din. di naiiba sa mga other lovers.”

Agree si @dujertejecel na hiyang nga ang aktor sa US, “Yess Diegs. life is beautiful pogi mo Diegs hiyang na hiyang ka diyan.”

Pang-uurot naman ni @rpadilla1991, “Life is good pag nakuha mo na yung gusto mo sa isang tao. charot.”

Natawa kami sa komento ng netizen na si @rachelricalde, “Ayan na Dex nakapag States ka na!!! di ka na magagalit kay Bianca.”

Bianca ang karakter ni Barbie sa pelikulang “Dulo” na ang kuwento ay ay gustong pumunta ng Amerika ni Bianca para mag-aral pero ayaw siyang payagan ni Dex kaya ang ending hindi tumuloy ang dalaga kasi nga mahal niya ang boyfriend.

View this post on Instagram

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Pinaalalahanan din ang aktor ng tiyuhin niyang nasa Italya na si @cors2467, “Enjoy your vacation Diego. Stay safe always. Regards fr.Tito Cors of ITALY.”

Suportado pa rin sina Diego at Barbie ng fans nilang @diegsbie_worldwide, “Looking good ..We Love you takecare always.”

At muling nag post si Teresa Loyzaga ng, “I miss you tho…. @diegoloyzaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Say naman ni @gladysesporia, “@diegoloyzaga life is good pero life is short den Kung hinde MO pinapahalagahan nito. Alam mo na Kung anong ibig sabihin na.”

Diego Loyzaga, Barbie Imperial hiwalay na, sey ng source ni Ogie Diaz

Diego Loyzaga tikom pa rin ang bibig ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending