Belle tinupad ang wish ng lolo; Pinoy viewers wagi sa ALLTV

Belle tinupad ang wish ng lolo; Pinoy viewers waging-wagi sa ALLTV

Ervin Santiago - July 05, 2024 - 11:11 AM

Belle tinupad ang wish ng lolo; Pinoy viewers waging-wagi sa ALLTV

MAY bagong EP ang actress-singer na si Belle Mariano na tinawag na “BELIEVE” tampok ang limang inspiring songs na magsisilbing patikim sa sold-out concert niya na magaganap ngayong Hulyo.

Kabilang sa mini-album ang mga kantang “Biglaan,” ‘Pakisagot,” “Little World Changer,” “I, Save, Me,” at “Apelyido” na prinodyus ni StarPop label head Roque “Rox” Santos.

Inaasahang aawitin niya ang mga ito sa kanyang “BELIEVE: The Belle Mariano Birthday Concert” sa July 13 (Sabado), sa The Theatre at Solaire handog ng ABS-CBN Events at StarPop.

Kasamang magpapasaya ni Belle ang special guests niya na sina Donny Pangilinan, Moira dela Torre, Denise Julia, at Martin Nievera.

Hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya star na bibida siya sa nalalapit na engrandeng concert. “Hindi ko siya na-visualize. It was too grand for me,” ani Belle.

Baka Bet Mo: SB19, BINI, Belle Mariano hakot nominasyon sa Awit Awards 2024

“I used to sing in the videoke with my lolo and it feels like I’m not just fulfilling my dream, I’m also fulfilling his,” kwento niya.

Nakatulong ang paghahanda niya sa “BELIEVE” concert para higit pang magkaroon ng tiwala sa sarili bilang performer. Sabi niya, “The process of the concert made me believe in myself. This marks a growth of who I am in the industry.”

Hatid din niya ang mas mature na tunog at kwento sa mga bago niyang kanta.

Ang “Biglaan” ang focus track ng “BELIEVE” EP na tungkol sa paghahatid ng tadhana ng pangyayari na higit pa sa inaaasahan. Isa ring empowering track nito ang “Little World Changer” na magsisilbi namang ‘dreamy ode’ sa malalaking pangarap ng isang tao.

Tungkol sa mga hinanakit na nais ilabas ang awiting “Pakisagot,” sakit ng damdamin at false hope ang “I, Save, Me,” at pagkakataong mahanap ang tamang tao ang “Apelyido.”

Ibinahagi rin ni Belle kung paano niya gustong maalala ng fans bilang music artist. “I want to make the listeners, the audience, believe in themselves,” hiling niya.

* * *

Ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay naglunsad nitong Lunes (July 1) ng “Panalo sa ALLTV” promo para sa mas exciting ang panonood ng mga viewers nito.

Ang AMBS, na nag-ooperate ng ALLTV, ay mamimigay ng bahat at lupa mula sa Vista Land kada Linggo mula July 1 hanggang August 26, 2024, habang P500 each ang naghihintay sa 20 lucky winners araw-araw.

Simula Lunes, hinihikayat ang mga manood na i-scan ang QR code na mag-flash sa mga program ng ALLTV, at hanapin ang word/s for the day na ipapakita mula sa pagbukas ng mga programa simula 12 noon hanggang 11:15 p.m.

Kinakailangan din mag-selfie ang mga nais sumali. Para sa mas detalyadong mechanics, magpunta sa www.alltv.com.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood sa ALLTV ang pinakamatagal ng news program na “TV Patrol” at ang pinakasikat na variety show na “It’s Showtime”. Mapapanood din sa ALLTV ang classic programs ng ABS-CBN na nasa Jeepney TV.

Ang ALLTV ay mapapanood sa Channel 2 (Free TV at Planet Cable); Channel 35 (Cignal and Skycable- provincial areas); Channel 13 (Skycable in Metro Manila) at Channel 2 (for Sinag, Cablelink, GSAT and other cable TV).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending