Grupo ng produ bad-trip sa direktor, ayaw nang makatrabaho
HINDI pa rin pala nagkakaayos ang direktor at ang ilang producers na nagkatrabaho sa pelikulang kumita ng milyones at masasabing isa sa highest grossing movie sa bansa.
Maraming nagulat dahil hindi naman kasikatan ang mga artista at hindi rin kamahalan kaya hindi ganu’n kalaki ang gastos pagdating sa talent fee ng artista kasama na ang talents.
Ang tsika sa amin ay nagalit o nairita ang ilang producers sa direktor dahil bukod sa medyo malaki ang gastos niya ay ipipilit nito ang gusto at ayaw ng compromise dahil katwiran ng huli ay pangalan naman niya ang nakataya bilang direktor.
Ang kuwento sa amin, “Ayaw ipagalaw ni direk ang pelikula niya, dahil sakto lang naman sa oras. E, gusto ni ____ (pangalan ng producer) bawasan pa para hindi masyadong mahaba.
“At saka binabaril kasi ‘yung mga locations na gusto ni direk, sabi ni ___ (isa ulit sa producer) puwede naman daw dayain na lang para hindi na puntahan kasi sayang kung ilang eksena lang.
Baka Bet Mo: Concert producers ‘lugi’ umano sa ilang local artists na nagpe-perform abroad
“Siyempre gusto ng direktor ma-feel ng mga artista niya ‘yung locations, iba yung dinaya lang, totoo naman. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng direktor at producers at para matapos na, pinagbigyan pero hindi na raw ito makakaulit sa kanila,” sabi ng aming kausap.
Nagtataka kami kung talagang ayaw nang ka-work ng ilang producers ang direktor, pero nasundan pa ng dalawa (pelikula).
“Nasa plano na kasi, nabuo na ‘yun na after nitong blockbuster movie ay isusunod kaagad, e, kaso nagkaroon ng pandemic kaya naantala,” sabi ng aming soure.
Naipalabas na ba ang movie na ikalawang proyekto ng direktor sa ilang producers na galit sa kanya?
“Oo, hindi naramdaman, ‘no? Super flop!” sagot sa amin.
Heto na ang catch, kapag may nakakausap na producer ang ilang producers na galit sa direktor ay sinasabihan nilang magastos ito at maraming demands.
Pero tila dedma ang mga kausap dahil mas naniniwala sila sa mga projects ng direktor na kumita at laging pinag-uusapan kasi curious ang target market ng pelikula.
Bukod dito ay napapasama ang mga pelikula ng direktor sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa at mas lalo na rito sa Pilipinas dahil kapag narinig na ang pangalan niya ng mga festival organizers ay nasa priority list siya.
Tsinek namin kung may awards na ang direktor at ang dami na pala kaya pala maraming gusto siyang maka-work at handang maghintay kapag okay na schedules niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.