Concert producers ‘lugi’ umano sa ilang local artists na nagpe-perform abroad
NANLULUMO ang ilang concert producers sa mga dinala nilang local artists sa iba’t ibang bansa dahil hindi man lang daw nangalahati ang venue kung saan ginanap ang shows.
Ipinadala sa amin ang kuha ng venue ng show kung saan mabibilang nga sa daliri ang taong nanood at sobrang mahal ng tickets.
“Walang magagawa kailangan talagang taasan ang presyo ng tickets dahil ang mahal ng mga performers na kinuha nila as in ang mamahal at ang daming entourage pa ng iba,” kwento ng taong nag-aahente ng mga concerts sa ibang bansa.
Baka Bet Mo: Gary ayaw nang mag-concert nang solo sa loob ng 3 oras at walang pahinga
Dagdag pa, “Siyempre hindi lang naman ‘yung talent fee nila ang binayaran, kahit naman may per diem, papakainin mo pa rin, pa-hotel pa, ipapasyal mo pa, so sobrang laki talaga ng gastos ng producers tapos hindi naman mababawi.”
“Kaya series of shows ang ginagawa ng mga producers abroad para makabawi sila like 4 to 6 shows in two weeks sa iba’t ibang state,” ani pa niya.
Maliban na lang daw kung sold-out na ang tickets at bawi na kaya may mga isang gabing show lang at uuwi na ng Pilipinas.
Inamin ding karamihan sa mga kumikitang concerts ay mula sa mga veteran singers tulad nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Gary Valenciano, Vice Ganda at ibang artists ng ASAP at lately ang Cornerstone talents ang madalas ding hinihingi ng manonood.
“Kaya lang sobrang mamahal na nila kaya ibang concert producers sumusubok ng ibang performers kaso hindi naman kinakagat,” sabi pa sa amin.
Mas mabuti pa nga raw ‘yung mga dinadalang K-Pop stars dito kahit hindi gaanong kilala ang iba ay jampacked lagi ang shows kaya kumikita talaga ‘yung mga nagdadala rito at ‘yung iba ay milyonaryo’t milyonarya na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.