Kyline, Kobe nahuling magka-holding hands sa BGC

Kyline, Kobe nahuling magka-holding hands sa BGC: ‘Totoo nga ang chismis!’

Pauline del Rosario - June 27, 2024 - 02:01 PM

Kyline, Kobe nahuling magka-holding hands sa BGC: ‘Totoo nga ang chismis!’

Kyline Alcantara, Kobe Paras

TILA na-caught in the act ang young actress na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras patungkol sa kanilang relasyon.

Spotted kasi silang magka-holding hands habang naglalakad papunta sa isang parking lot ng BGC.

Ang viral video ng dalawa ay ibinandera ng isang netizen na may Facebook name na Joan Valenzuela Dumayas kamakailan lang.

Caption niya sa post: “Kyline Alcantara and Kobe Paras spotted at BGC…Kunware ‘di namin nakita hahaha.”

“Totoo nga ang chismis,” sey pa niya na tinutukoy ang usap-usapang “dating rumors” sa pagitan ng aktres at basketball player.

Baka Bet Mo: Kyline hindi pa ready magka-lovelife: ‘Dapat mas kilalanin ko pa sarili ko’

TILA na-caught in the act ang young actress na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras patungkol sa kanilang relasyon.

PHOTO: Screengrab from Facebook/Joan Valenzuela Dumayas

As of this writing, wala pang pahayag o komento ang dalawa patungkol sa kumalat na video.

Kung matatandaan, noong Mayo lamang nang mag-umpisa ang chika na may “something” sa dalawa matapos mapansin ng ilang netizens na magkasama umano silang nag-dinner sa isang susyal na restaurant sa Makati.

Kasunod niyan, naging usap-usapan ang pag-comment at pag-repost ng binatang cager sa kanyang Instagram Stories ang recent photo na in-upload ni Kyline sa IG.

Sa comments section, nag-iwan si Kobe ng smiling face with heart-eyes emoji.

Bukod dito, ni-repost din ng anak ni Benjie Paras ang litrato ng Kapuso star sa kanyang IG Stories with white heart emoji.

Kung matatandaan, si Kobe ay dating nakarelasyon si Erika Poturnak, ang anak ng batikang aktres na si Ina Raymundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Kyline naman ay na-link sa dating onscreen partner na si Mavy Legaspi na nakilala sa MavLine love team.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending