Kuya Kim na-pressure nang palitan si Ernie Baron, hindi dapat magkamali
MATINDING pressure ang naramdaman ng Kapuso TV host na si Kim Atienza nang palitan niya sa isang programa ang yumaong “walking encyclopedia” na si Ka Ernie Baron.
Kilala na si Kuya Kim noon bilang host ng isang morning show nang kunin siya bilang kahalili ng news anchor at weather presenter na si Ka Ernie Baron na kilala rin bilang trivia master.
Baka Bet Mo: Baron Geisler viral na naman: Sinong kailangang i-rehab?
Kaya naman feeling ng Kapuso host hindi siya kailangang magkamali tulad ni Ka Ernie na ang image sa publiko ay alam ang lahat ng bagay sa mundo.
View this post on Instagram
Pero sa panayam kay Kuya Kim ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz, sinabi ng TV host na may pagkakataong nagkakamali pa rin siya at ito ang nagdulot sa kanya ng matinding pressure nang palitan si Ka Ernie.
“Nu’ng ang pinalitan ko si Ka Ernie Baron, hindi puwedeng magkamali kasi walking encyclopedia, ang daming tama. So ang expectation sa akin ng tao, ‘Hindi rin nagkakamali ‘yan,’” pahayag ni Kuya Kim.
Ngunit ayon sa Kapuso host, imposible namang namang hindi siya magkamali dahil tao lang siya at naniniwala siyang walang taong perfect.
Baka Bet Mo: Baron ikinumpara sa ABS-CBN ang pagiging ama: Very sweet, kalmado ako
Ang tanging magagawa lamang daw niya ang i-improve ang sarili at ang makinig sa suggestion at feedback ng mga taong nanonood at nakikinig sa kanya.
“Siyempre tumatawag ako sa mga taong mas matagal na sa akin sa industriya. May mga mentor ako na tumutulong sa akin at nagko-correct sa akin kung ano’ng dapat kong gawin,” pahayag pa ni Kuya Kim.
View this post on Instagram
Bukod sa variety show ng GMA na “TiktoClock” kasama sina Pokwang, Jason Gainza at marami pang iba, napapanood din si Kuya Kim sa “Dapat Alam Mo” ng GTV.
Sa mga nabanggit na programa ay may mga pagkakataong sumasablay din siya bilang host at talagang binabanatan siya rito ng mga bashers.
“May mga tao talaga na ang hobby talaga, maghintay na magkamali ako. ‘Kailan kaya magkakamali si Kim?’ Lalo na sa X, lalo na sa Twitter, pag nagkagkamali ka sa X, naku! Tatlong araw kang trending,” aniya.
Noong nagsisimula pa lang daw siya bilang host ay wala pang social media kaya hindi siya basta nakakatanggap ng pamba-bash pero ngayon ay “instant” ang pang-ookray at panglalait ng mga tao sa iba’t ibang platforms.
“You get called out two minutes after you say it. Two minutes after you say it, meron na kaagad sa Twitter, lalo na sa X. ‘Pag sinabi mo, ‘pag tingin mo du’n, trending ka na, hindi mo alam kung bakit,” lahad niya.
Ngunit ipinagdiinan ni Kuya Kim na tanggap niya ang panlalait ng bashers kapag may nagagawa siya ng mali. Kung kailangan siyang humingi ng sorry ay ginagawa niya.
Pero never daw siyang hihingi ng paumanhin sa mga ibinabalita niyang base sa mga facts na galing sa credible sources.
“’Yung pagso-sorry naman, hindi naman kahulugan na mali ka e, puwede kang mag-sorry na nakasakit ka, whether you like it or not.
“Du’n ako nag-sorry. Pero du’n sa sinabi kong mga facts, those are facts, those are based on science.
“When you say sorry, you say sorry because nakasakit ka, ‘yun lang ‘yun,” sey ni Kuya Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.