Sanya: Minsan it's OK to be selfish, ikaw magliligtas sa sarili mo

Sanya: Minsan it’s OK to be selfish, ikaw lang magliligtas sa sarili mo

Ervin Santiago - June 24, 2024 - 12:15 AM

Sanya: It's OK to be selfish, ikaw lang magliligtas sa sarili mo

Sanya Lopez

PARA sa Kapuso actress na si Sanya Lopez, walang problema kung maging “selfish” siya paminsan-minsan lalo na pagdating sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Hanggang ngayon ay single pa rin si Sanya at mukhang matatagalan pa bago siya magdesisyon na pumasok sa isang seryosohang relasyon dahil mas priority niya ngayon ang kanyang sarili, pamilya at trabaho.

Baka Bet Mo: Sanya mas gustong magkadyowa ng hindi artista: Sa panahon ngayon, nakakatakot makipagrelasyon sa taga-showbiz

Bilang isang single woman, naniniwala si Sanya na napakahalaga na magkaroon ka muna ng kumpletong pagmamahal sa sarili bago mag-share ng love sa ibang tao.

Totoong-totoo raw ang isang quote na nabasa niya sa TikTok na “Sometimes, it’s OK to be selfish.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


“It’s not because gusto mo lang maging selfish, but at the end of the day, ikaw lang din sa sarili mo ang magliligtas sa sarili mo.

“Sometimes, it’s okay to be selfish. Okay rin naman maging selfless, pero timbangin natin,” pahayag ni Sanya sa panayam ng GMA News.

Samantala, super excited na si Sanya sa pag-ere ng upcoming historical drama ng GMA 7 na “Pulang Araw” kung saan makakasama rin niya sina Barbie Forteza, David Licauco, Alden Richards at Dennis Trillo.

Baka Bet Mo: Sanya, Jak naranasan ding lumafang ng tuyo at talbos ng kamote, nangungutang din para makakain

Gagampanan niya sa serye ang karakter ni Teresita Borromeo, isang vaudeville artist na gagawin ang lahat para sa kapatid niyang si Adelina to be played by Barbie.

Paglalarawan ng aktres sa kanyang selfless character, “Masyado siyang mapagmahal, to the point na kaya na niyang i-sacrifice ‘yung sarili niya para lang sa mga taong mahal niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


“Hindi mo mapapantayan, eh. Ganu’n ‘yung level ng pagiging selfless niya. Ibang klase ‘yung pagmamahal ni Teresita,” sabi pa ni Sanya.

“Actually kahit ako eh, minsan ang hirap maka-relate. ‘Yung talagang, kaya mong gawin ‘yun, Teresita?’ Maiiyak ka na lang sa kaniya, ganu’n.

“Nandu’n ako sa may moment na kailangan mo i-sacrifice ‘yung mga bagay na ‘to for the sake of a great opportunity.

“Kumbaga, parang mas may magaganda kasing mangyayari pa, bakit kailangan mong i-sacrifice yung bagay na ‘to,” pahayag pa ni Sanya sa naturang interview.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Pulang Araw” sa GMA Prime simula sa July 29.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending