Sanya Lopez may pinagdaraanan sa buhay, sinukuan na ng pamilya?
MALALIM ang hugot ng Kapuso actress na si Sanya Lopez tungkol sa relasyon niya ngayon sa kanyang pamilya.
Mukhang may pinagdaraanan nga ang dalaga sa personal niyang buhay base sa naging panayam sa kanya ng Kapuso afternoon show na “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, June 12.
Kitang-kita ang kalungkutan sa itsura ni Sanya nang magtanong ni Tito Boy tungkol sa laro ng buhay-pamilya na kayang-kaya niyang harapin at yung mga feeling niya na hindi niya keri.
Tugon ng Kapuso star “Kaya ko yung laro na lahat kami magkakahiwalay sa ngayon dahil alam naming may mangyayari in the future na maganda.”
Sundot na tanong ni Tito Boy, “What do you mean by that? ‘Magkakahiwalay kami dahil alam naming lahat na may magandang mangyayari in the future’?”
Baka Bet Mo: Sanya mas gustong magkadyowa ng hindi artista: Sa panahon ngayon, nakakatakot makipagrelasyon sa taga-showbiz
Sagot ng dalaga sa King of Talk, “Kumbaga, may mga bagay ka na kailangan isakripisyo sa ngayon kung hindi kayo magkakasama, but later on, alam mo naman na para rin sa ating lahat yon.
“Siguro po yung larong hindi ko kaya ay yung darating sa time na yung buhay, unti-unti, hindi natin alam magkakasama pa rin tayo, nagkakasakit ba o ano.
“Yun po ang laro na hindi ko kakayanin—losing them at yung sumuko na yung pamilya. Yung laro na sumusuko na sila.
“Sumusuko sila sa mga bagay na… ikaw, sinusukuan ka na nila. Yung pagmamahal nila sa yo, sinusukuan na.
“Yun ang hindi ko makakayanan, Tito Boy,” ang emosyonal nang pahayag ni Sanya.
Next question ng award-winning TV host, “Naramdaman mo na yon, pasuko na o sinusukuan ka na ng pamilya mo?”
Tugon ni Sanya, “Hindi naman, Tito Boy, though siguro we had understanding din naman din.
“Pero pagdating sa mga ganoon, importante talaga yung larong maiintindihan ka (ng pamilya mo).
“Siguro sa trabaho natin, hindi ganoon kadali. Ang feeling nila, ang dali-dali lang maging artista. Ang dali-dali lang ng ginagawa nating trabaho.
“Pero yung mapahiwalay ka sa pamilya mo, mahirap yon. Akala nila (ang dami-daming pera, sobrang yaman),” ang maluha-luhang pag-amin pa ni Sanya Lopez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.