Sanya mas gustong magkadyowa ng hindi artista: Sa panahon ngayon, nakakatakot makipagrelasyon sa taga-showbiz | Bandera

Sanya mas gustong magkadyowa ng hindi artista: Sa panahon ngayon, nakakatakot makipagrelasyon sa taga-showbiz

Ervin Santiago |July 26,2022
facebook
share this

Sanya mas gustong magkadyowa ng hindi artista: Sa panahon ngayon, nakakatakot makipagrelasyon sa taga-showbiz

Ervin Santiago - July 26, 2022 - 07:20 AM

Sanya Lopez

MUKHANG pinanindigan na nga ng Kapuso actress at GMA primetime princess na si Sanya Lopez ang pagiging certified NBSB o “no boyfriend since birth”.

Hanggang ngayon ay single pa rin ang sister ng Kapuso hunk na si Jak Roberto at mukhang wala pa talaga sa mga priorities niya ang magkadyowa at pumasok sa seryosong relasyon.

Pahayag ni Sanyaz, “Ngayon, naka-focus po ako sa sarili ko. Naging busy din po talaga ako. May mga nanligaw din naman pero hindi pa siguro talaga ako nagbibigay ng time para sa kanila.”

Magiging unfair lang daw sa lalaki kung sasagutin niya ito pero hindi naman niya mabibigyan ng sapat na panahon ang kanilang relationship dahil sa kanyang trabaho.

“Once na magka-boyfriend ako, gusto ko may time na ako para sa kaniya,” katwiran ng aktres na siya ring nasa likod ng viral na kanta ngayong “Hot Maria Clara” mula sa GMA Records.

At kung magkakadyowa man daw siya, sana raw ay hindi ito artista, “Sa panahon ngayon, nakakatakot pumasok sa relasyon na nasa showbiz eh, kaya mas lamang sa akin na non-showbiz siya, pero kung meron na taga-showbiz na manligaw, okay lang din naman.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)


Samantala, hit na hit na rin ngayon ang kanta niyang “Hot Maria Clara” na tungkol sa isang modern Filipina na alam ang kanyang worth sa mundong kanyang ginagalawan.

Ito ay isinulat ng award-winning singer-songwriter, viral video artist, director, and producer na si Njel de Mesa, mula sa GMA Records.

“Ang message nito is kung paano maging empowered ang isang babae at kung paano niya kakayanin ang mga pagsubok hindi lang sa pag-ibig kundi sa buhay rin in general,” ani Sanya.

Sabi pa niya patungkol sa kanyang bagong kanta, “Excited and sobrang saya sa bagong opportunity na ibinigay sa akin ng GMA. Iba rin kasi ang feeling kapag recording naman ang gagawin mo. Lalo na sa singing na isa sa mga love kong gawin. Noong first time na marinig ko ang song, nagustuhan ko na ito.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Bago mag-recording ay medyo umiwas muna ako sa mga malalamig na drinks. At siyempre nagvo-vocalize every now and then para makondisyon ang boses ko,” sagot ng dalaga sa tanong kung paano niya pinaghandaan ang pagre-record ng kanta.

Sanya Lopez inaming ‘ideal man’ si Daniel Padilla

Sanya game na game maging ka-loveteam si Glaiza sa lesbian series: Pwede kaming magdyowa para maiba naman

Sanya kamukha raw ni Rabiya; gusto ring maging beauty queen, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending