Mariel Padilla proud kay Isabella: Game siyang naki-sing-along

Mariel Padilla proud na proud kay Isabella: Game na game siyang naki-sing along

Reggee Bonoan - June 22, 2024 - 04:04 PM

Mariel Padilla proud na proud kay Isabella: Game na game siyang naki-sing-along

NAKANGTI kami habang kumakanta ng “Nosi Balasi” ni Sampaguita ang engliserang anak nina Senator Robin Padilla at Mariel Padilla na si Isabella dahil may boses at take note, nasa tono.

Kaya namin nabanggit na nasa ‘tono’ ang panganay ng mag-asawa ay dahil hindi nito namana ang boses ng Nanay Mariel niya bagkus ay sa Tatay Robin niya ito nakuha.

Aminado rin naman ang senator’s wife na nagmana ang anak niya sa ama nito.

Ipinost ni Mariel sa kanyang Instagram ang video na kumakanta si Isabella habang bumibiyahe sila.

Ang caption ay, “ Our little secret is out! Yes, Isabella loves to sing just like her Tatay. Game na game siyang naki-sing-along kasama ang IAMWORLDWIDE Team. Catch her belt-out a classic song, tonight at 8PM sa aking Youtube Channel. Yay!! Link in my bio.”

Baka Bet Mo: Mariel Padilla binatikos matapos magpa-IV drip sa Senado

View this post on Instagram

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)

Maramng pumuri kay Isabella na mga kaibigan ni Mariel at sinabi pang hind inga mana sa kanya ang anak.

Sabi ng Sawsawera Queen na si RR Enriquez, “Hahaha hindi sya sintunado Ma (emojis laughing face and heart).

Sagot ni Mariel, “@rr.enriquez hindi siya nagmana satin R.”

Sundot ni RR, “@marieltpadilla Bwahahaha kaya ngaaaaaa.”

Komento naman ng netizen na si jeanm.corpuzmaranan, “@marieltpadilla videoke king po c Sir Robin hahaha.. nagmana tlga.”

Ang Bff ni Mariel at co-host niya rati sa PInoy Big Brother na si Bianca Gonzales – Intal, “Go Isabella!!!! Ang galing.”

At revelation ni Mariel, “@iamsuperbianca it was my first time hearing her sing that also. I didn’t know she knew the song hehe.”

Reaksyon ni Bianca, “@marieltpadilla as in full lyrics, hindi sounds like!!! (emojis clapping hands and happy face).

Maging ang Ate Kylie Padilla ni Isabella ay napa-wow din sa boses ng kapatid at nag-post ng tatlong hearts.

Sinagot ni Mariel ang post ni Kylie, “@kylienicolepadilla mana sayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Singer at songwriter si Kylie under GMA Music at isa sa sinulat niya ay ang Gitara na siya rin mismo ang kumanta mula sa album na Seasons. Sayang nga at hindi na itinuloy ng aktres ang pagkanta.

Going back to Isabella ay hindi na kami magtataka kung isa sa mga araw na ito ay pakuhanin nina Robin at Mariel ng voice lesson ang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending