Producer nababahala, hindi pa tapos ang pelikulang showing na

Producer nababahala, pelikula na malapit na ang playdate hindi pa rin natatapos

Reggee Bonoan - February 03, 2025 - 08:51 AM

Producer nababahala, pelikula na malapit na ang playdate hindi pa rin natatapos

HINDI pa pala tapos ang pelikulang nakatakdang ipalabas isa sa mga araw na ito dahil hindi magtagpo ang schedules ng mga artistang kasama.

Pawang may kanya-kanyang mga ganap ang mga artistang kasama sa pelikula kahit pa supporting at hindi naman pupwedeng palitan sila dahil nakailang shooting days na at mahirap maghanap ng kapalit.

Medyo nababahala ang producers ng pelikula dahil abutan sila ng kanilang playdate.

“E, kasi di ba pag nagmamadali baka hindi maganda ang pagkaka-edit, color grading, e, running joke pa naman ngayon ang ‘green sscreen’ ha, ha, ha baka matulad.

Baka Bet Mo: Grupo ng produ bad-trip sa direktor, ayaw nang makatrabaho

“Dapat bago mapanood ng public, e, ilang beses muna itong mapanood ng producers kung okay sa kanila,” kaswal na kwento ng aming source.

Excited pa naman ang mga bida ng pelikula dahil ilang taon na rin silang hindi nakagawa ng project at huli nila ay bago pa mag-pandemya pa.

Sa kasalukuyan ay waiting ang mga bida at direktor kung kailan ang availability ng ibang cast ng pelikula.

Biro namin sa aming kausap na ikinatawa niya, “e, kaya hindi available ang ibang cast kasi tumanggap ng raket sa iba dahil ang tagal nga naman nahinto ang shooting.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending