Mariel Padilla may pagkasutil raw ang ugali, sey ni Cristy Fermin

Mariel Padilla may pagkasutil raw, sey ni Cristy Fermin

Therese Arceo |March 07,2024
facebook
share this

Mariel Padilla may pagkasutil raw, sey ni Cristy Fermin

Therese Arceo - March 07, 2024 - 05:34 PM

Mariel Padilla may pagkasutil raw ang ugali, sey ni Cristy Fermin

NAGBIGAY ng komento ang kolumnistang si Cristy Fermin ukol sa asawa ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Padilla.

Kamakailan lang nang umingay ang pangalan ng dating “Pinoy Big Brother” host matapos ang kontrobersyal na pagpapa-drip nito sa opisina ni Robin sa Senado.

Ito nga rin ang rason kung bakit isa si Mariel sa mga naging topic ni Nanay Cristy sa kanyang vlog na “Showbiz Now Na” nitong Linggo kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

“Sutil talaga itong babaeng ito. Sa totoo lang, sutil talaga siya. Palaban naman talaga siya,” saad ni Cristy.

Aniya, maganda raw sana ang imahe ni Mariel noon na isang maybahay na tumutulong sa kanyang asawa magtaguyod ng kanilang pamilya pero sumablay dahil sa isyung kinasangkutan.

Baka Bet Mo: Mariel Padilla nag-solo sa bakasyon after 7 years, namasyal sa Paris: ‘JUST ME…bittersweet without my kids’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Banat ni Cristy kay Mariel, “Ang ganda pa naman sana n’ong kaniyang imahe na isang maybahay na gumagawa rin ng paraan para matulungan ang kaniyang asawa sa kanilang kabuhayan. Nag-aalaga ng kanilang mga anak.

“Ang ganda-ganda, e. Dahil iniwasan na niya ang paglabas sa telebisyon at pelikula. Ang ganda ng image. Kaya lang nagkataon namang ganito. Samantalang ‘yong pagpapa-IV Drip pwede naman ‘yon sa ibang lugar.”

Matatandaang marami ang bumatikos kay Mariel matapos niyang ibahagi ang kanyang larawan sa Instagram kung saan nagpapa-IV drip siya sa loob ng opisina ng mister. Makikita rin ang Senate seal sa picture na siyang ikinabahala ng netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging si Sen. Nancy Binay ay napa-react sa pagka-viral ni Mariel at pinlano pang busisiin ang ginawa nitong pagpapa-IV drip sa Senado.

Nilinaw naman ni Mariel na wala siyang intensyon na mambastos sa kanyang pagpapa-IV drip. Bagamat wala siyang nakikitang mali sa ginawa niya ay humingi na rin siya ng sorry sa mga na-offend.

Maging ang asawa niyang si Sen. Robin Padilla ay humingi ng dispensa sa ginawa ng kanyang asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending