Sunshine Guimary nagluluksa sa pagkamatay ng asawa

Sunshine Guimary nagluluksa sa pagkamatay ng asawa

Reggee Bonoan - June 21, 2024 - 09:42 AM

Sunshine Guimary nagluluksa sa pagkamatay ng asawa

NAGLULUKSA ngayon ang Vivamax star at Cebu based blogger na si Sunshine Guimary sa pagkamatay ng kanyang asawa na hindi binanggit ang pangalan.

Base sa Instagram post niya kagabi ay nakayakap siya sa kabaong ng asawa na malapit sa mukha nito.

Ang caption ni Sunshine ay, “See you soon babe (emoji heart)”.

Bukod sa post nitong kabaong na punumpuno ng bulaklak sa paligid ay pinost din nito ang larawan nan aka-wedding dress siya na papasok at larawang hinalikan na siya ng asawa.

Matatandaang nakilala si Sunshine sa mga pelikulang “Kaka”, “House Tour”, “Shoot Shoot”, “What If” at “Hello Universal” noong 2021 hanggang 2022.

Bale ba nitong Hunyo 19 ay 1st death anniversary ng ama na pinost pa niya sa kanyang IG stories, “Today, June 19 Papa death anniversary,”

Baka Bet Mo: Janno Gibbs ramdam na ramdam ang lindol sa La Union; Sunshine Guimary naiyak, na-trauma

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KAKA | Sunshine (@sunshine_guimary)

Bale ba nitong mga nakaraang araw ay ang saya-saya pa ni Sunshine base sa mga posts nitong larawan kung saan dumalo siya ng launching ng produktong eyewear na ini-endorso niya.

Ang aktres/TV host at isa sa creative director ng Viva Films na si Chynna Ortaleza ang unang nagpahatid ng pakikiramay kay Sunshine.

“Our deepest condolences @sunshine_guimary We will keep you in our prayers.

Nagpasalamat naman ang Viva star, “@chynsortaleza Appreciate ate.”

Ang TV5 reporter na si mjmarfori, “Condolence🙏🏻”

Again, nagpasalamat ulit si sunshine_guimary, “@mjmarfori Slmt po.”

Sabi naman ni momentsinsight, “Your father then your husband? Oh my Lord. This really heartbreaking.. Sorry for your loss. Deepest condolences to you and your family, may the perpetual light shine upon them🙏🏻.”

Dagdag naman ni charleztt, “@momentsinsight I remember she lost a dog before too . RIP.”

Sabi naman ng aktor na si jannolategibbs, “Condolences @sunshine_guimary He was a good man.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot ni Sunshine, “@jannolategibbs yes he was.”

“Mahigpit na yakap,” ang sabi naman ng aktres na si Ryza Cenon at emojis black heart ang sagot ni Sunshine.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay walang tigil ang bilang ng nakikiramay kay Sunshine na umabot na sa mahigit 11,000 ang nag heart.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending