Sunshine Guimary nagluluksa sa pagpanaw ng mister

Sunshine Guimary wasak ang puso, nilibing ang mister kasabay ng b-day

Reggee Bonoan - June 24, 2024 - 07:11 PM

Sunshine Guimary nagluluksa sa pagpanaw ng mister: 'Ang sakit-sakit na...'

PHOTO: Instagram/@sunshine_guimary

DUROG na durog ang puso ngayon ng Vivamax Star at Cebu-based vlogger na si Sunshine Guimary dahil kasabay ng kaarawan niya ang libing ng asawa nitong Sabado, June 22.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Sunshine 16 hours ago ang naging libing ng kanyang mister sa Manila Memorial Park.

Pero bago ‘yan, nag-post muna siya na may hawak na cake at tsaka hinipan ang kandila sa harap ng kabaong ng asawa.

Ang caption niya sa mga larawan, “12 months ago [si] papa nilibing ko, ngayon ikaw asawa ko at tinataon n’yo pa sa birthday ko. Bakit? Durog na durog na pati kaluluwa ko ang sakit-sakit na…sa susunod kong birthday antayin n’yo ko.”

Baka Bet Mo: Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary nabitin kay Ion, pero nag-enjoy kay Jerald

Medyo nagulat kami sa huling sabi ni Sunshine na hintayin siya sa susunod na kaarawan niya, sa 2025?

Anyway, sabi pa, “Inaantay ka ni papa baby ko maglakbay muna kayo sa walang hanggan, antayin ny’o ko, kayo buhay ko mami-miss ko kayo sa araw-araw, paggising ko mami-miss ko luto mo babe, halakhak mo, mga kwela mong jokes, boses at pag nag-alala ka sakin, salamat sa pagmamahal mo samin, mahal na mahal kita. E, hug mo ‘ko kay papa. mahal na mahal ko kayo kayo buhay ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KAKA | Sunshine (@sunshine_guimary)

May isa pang IG Sory post si Sunshine na nakatingin sa mukha ng asawa, “Hindi na kita makikita, mahagkan, paggising, pagtulog, kakain ng sabay hindi complete ang araw pag wala chat mo (emoji sad face).”

Sa mismong libing ay kumpleto namang nakipaglibig ang buong pamilya’t mga kaibigan ng kabiyak.

“Sa magulang, kapatid, tiyahin, pinsan at mga kaibigan ng asawa ko taos puso po ako nagpapasalamat sa inyo, maraming salamat po sa lahat mahal ko kayo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending