Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary nabitin kay Ion, pero nag-enjoy kay Jerald | Bandera

Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary nabitin kay Ion, pero nag-enjoy kay Jerald

Reggee Bonoan |April 25,2021
facebook
share this

Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary nabitin kay Ion, pero nag-enjoy kay Jerald

Reggee Bonoan - April 25, 2021 - 04:57 PM

MAS kinikilig si Sunshine Guimary kay Jerald Napoles kaysa kay Ion Perez na pareho niyang leading man sa sexy film na “Kaka” na idinirek ni GB Sampedro para sa Vivamax.

Sa virtual mediacon ng “Kaka” kaninang tanghali ay inamin ni Sunshine ang mga naramdaman niya sa love scenes na ginawa niya kasam ang dalawang aktor.

“Nag-enjoy kay Jerald at nabitin kay Ion. Ha-hahaha! Nabitin kay Ion kasi medyo limitado ‘yung mga bagay at nag-enjoy kay Jerald kasi siguro pareho kaming open sa lahat ng bagay,” sabi ng sexy star.

Tinanong din ang baguhang sexy star kung ano ang pipiliin niya, sex without love or love without sex.

“Ha-hahaha! Ang hirap ng tanong! Pinagpawisan ako. Doon ako sa love (without sex) kasi nandoon na lahat. ‘Yung sex natututunan, ‘yung love mahirap,” masayang sagot ni Sunshine.

Samantala, natanong din si Sunshine sa pagkukumpara sa kanila ng sikat na YouTuber na si Ivana Alawi na palaban din sa sexy scenes noong bago palang siyang pasok sa showbiz. Ano ang kaya niyang gawin para matalbugan niya si Ivana.

“Ayoko ng competition. Kung ano ‘yung kaya kong gawin, paghihirapan ko ‘yun, i-earn ko ‘yun at ayaw ko ng kumpetisyon. Masaya ako na ikinukumpara ako kasi ibang level si Ivana at masaya ako na ako ‘yung ikinukumpara sa kanya,” paliwanag ng bagong sexy star ng Viva Films.

Samantala, ang “Kaka” ay kuwento ni Katherine Bataan a.k.a. DJ Kaka na isang sex therapist sa radio. Sa kabila ng kanyang pagiging mandirigma sa kama, hindi pa naranasan ni Kaka ang “kaligayahan”.

Ayon sa kanyang ina, ito ang sumpa sa lahat ng babae ng kanilang pamilya. Pero ang pinakahihintay ni Kaka na kaligayahan sa kama ay makakamit niya sa isang lalaki na nakilala niya sa isang party. Naniniwala si Kaka na ang lalaking si Levi ang tinadhana para sa kanya. Para dito, handa niyang baguhin ang sarili. Tutol naman dito ang matalik niyang kaibigan na si Jorge.

Ang papel na Levi ay ginagampanan ni Ion Perez, si Jerald Napoles ang gumaganap bilang Jorge, ang best friend ni Kaka na may lihim na pag-ibig sa kanya. Si Gina Pareño ang gumaganap bilang si Lolita Kiri na lola ni Kaka, Rosanna Roces as Mama Kams at nanay ni Kaka, Maui Taylor ang kanilang kasambahay na si Babet at Jackie Gonzaga na nakilalang si Ate Girl.

Kasama rin sa movie sina Debbie Garcia, Juliana Parizcova Segovia, Andrea del Rosario, Giselle Sanchez, Sheree Bautista, Lander Vera-Perez, Josef Elizalde, Pio Balbuena, Billy Villeta, Yuki Sakamoto, at Minnie Nato, with special participation of Janine Teñoso, Marion Aunor and Ronnie Liang.

Ang theme song na pelikula na pinamagatang “Sunshine” ay mula kina Juan at Kyle na umawit ng phenomenal na “Marikit.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang premiere nito sa Vivamax. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending