Bahay ni Sunshine Guimary sa Cebu hindi pinalagpas ng bagyong Odette
HINDI nakaligtas sa hagupit ni bagyong Odette ang sexy actress na si Sunshine Guimary.
Labis na naapektuhan ang mga lugar sa Visayas at Mindanao sa pananalasa ng bagyo kasama na ang Cebu Province kung saan nakatayo ang mala-mansyong bahay ng sexy actress.
Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ni Sunshine ang nangyari sa kanyang bahay.
Sa mga larawan ay kitang-kita ang labis na pinsalang dinulot ng bagyo sa bahay na ipinundar niya at matagal niyang pinaghirapan.
Nagkalat ang mga basag na salamin sa bandang hagdan ng bahay ni Sunshine mula sa nabasag na glass wall dahil sa lakas ng hangin.
Sa sumunod na larawan naman at makikita ang mga nilipad na bahagi ng bubong ng bahay sa bandang front gate.
Makikita rin ang nabaling puno sa labas ng kanyang bahay at nasirang bahagi ng bubong.
Sa sunod naman na story ay isang video kung saan ipinakita ang buong damage na dulot ni bagyong Odette kung saan makikita ang mga nasirang furniture pati na rin ang kanyang chandelier, nagsitumbahang puno, mga halamang nasira, at bahagi ng bubong na tinangay ng hangin.
“I need to go back home immediately,” saad ni Sunshine na labis ang panghihinayang sa kinahantungan ng kanyang bahay.
Kasalukuyang nasa Metro Manila ang aktres na kamakailan lang ay nag-taping pa sa noontime show na “Lunch Out Loud”.
View this post on Instagram
Unang nakilala si Sunshine Guimary sa kanyang mga sexy at daring roles sa mga pelikula gaya ng “Kaka” ni GB Sampedro kasama sina Ion Perez at Jerald Napoles.
Related Chika:
Tom Rodriguez nasaksihan ang hagupit ng bagyong Odette; humingi ng tulong at dasal para sa mga nasalanta
Pamilya ni Beatrice Gomez sa Cebu apektado rin ng bagyong Odette; beauty queen nangako ng relief mission
Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary nabitin kay Ion, pero nag-enjoy kay Jerald
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.