Sunshine Guimary sa pagkamatay ng asawa: Ang sakit-sakit!

Sunshine Guimary miss na miss na ang pumanaw na asawa: Ang sakit-sakit!

Reggee Bonoan - June 27, 2024 - 07:46 AM

Sunshine Guimary miss na miss na ang pumanaw na asawa: Ang sakit-sakit!

Sunshine Guimary at ang namayapang asawa

MAY pa-face reveal na si Sunshine Guimary sa namayapang asawa pero hindi pa rin niya ibinigay ang identity nito.

Sa kanyang Instagram account kagabi ay ipinost ng vlogger at Vivamax star ang mga video ng masasayang araw nila ng kanyang asawa na namayapa nitong Hunyo 22.

Sa mga nakaraang posts ni Sunshine ay lagi niyang sinasabi na nami-miss niya ang kanyang mahal na asawa lalo na ang pag-aalaga nito sa kanya, kapag dyino-joke siya, kapag tinatanong kung kumain na at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Kim umaming nagselos sa love scene nina Jerald at Sunshine Guimary: Tao lang po…

Naniniwala naman kami dito dahil base sa mga video post nito ay talagang super alaga si Sunshine ng asawa at walang dull moment sa kanilang pagsasama.

Nagsusubuan silang kumain kahit nasa loob ng eroplano, naglalambingan sa apat na sulok ng bahay nila at kahit nasa labas, maalaga sa fur babies nila, at napansin namin na kapag may okasyon ay kulang na lang bilhin ng asawa niya ang flower shop dahil hindi namin mabilang kung ilang dosena ng iba’t ibang klase ng bulaklak ang natatanggap ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KAKA | Sunshine (@sunshine_guimary)


At mukhang super love din ang mister ni Sunshine ng kanyang mga empleyado dahil binigyan ng surprise birthday party na ang tingin namin ay ginanap sa isang yate at may mga cake na may nakasulat na, “Happy birthday boss Edong.”

Anyway, ang caption ni Sunshine sa video post niya ay, “Miss na miss na kita baby ko, yakap na mahigpit.

Baka Bet Mo: Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary nabitin kay Ion, pero nag-enjoy kay Jerald

“Miss na miss ko na kiss mo bawat minuto ikaw nasa isip ko miss ko na mga jokes mo, ang hirap babe hindi ako sanay ng wala ka, ang hirap matulog, paggising ko wla ka na, wla na chat mababasa ko sa araw-araw, hindi ko na maririnig tawag mo, miss na miss ko tawanan natin, bakit ganito ang sakit-sakit, kunin n’yo na ko ‘wag n’yo na akong pahirapan.

“Kung kailan ang dami na nating nalagpasang problema ngayon ka pa sumuko, ikaw nagsabi ‘wag bumitaw pero bakit?”

Nabanggit ding umiinom si Sunshine ng pampatulog pero, “Ayaw na tumalab ng gamot ko kunin n’yo na ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mababasa naman ang komento ng netizens na nakikiisa sa nararamdaman ni Sunshine pero pinayuhan siyang maging matatag dahil hindi ito ikasisiya ng kanyang asawa kapag nakikita siyang lugmok.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending