David posibleng ma-in love kay Barbie: She's girlfriend material

David umaming posibleng ma-in love kay Barbie: She’s girlfriend material

Ervin Santiago - June 21, 2024 - 07:39 AM

David umaming posibleng ma-in love kay Barbie: She's girlfriend material

David Licauco at Barbie Forteza

NAG-UUMAPAW pa rin ang kilig at good vibes na hatid ng tambalang Barbie Forteza at David Licauco o mas kilala rin bilang BarDa.

Bukod sa inaabangang comeback series nilang “Pulang Araw” sa GMA 7, abangers na ang kanilang mga supporters sa first movie nila together, ang “That Kind Of Love”.

Ilang beses nang napatunayan nina Barbie at David ang kanilang magic at powers nila sa mga manonood matapos silang bumida sa ilang shows ng Kapuso Network, kabilang na ang hit series na “Maria Clara at Ibarra.”

Baka Bet Mo: John hindi naniniwala sa kasal: ‘Till I met this person 16 years ago!’

And for the first time nga, ay masusubok naman ang BarDa loveteam sa romantic-comedy movie na “That Kind of Love” kung saan gaganap na isang love coach si Barbie na na- inlove sa kanyang rich client playes by David.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by PM PRODUCTIONS Inc. (@pmproductionsinc)


Sa trailer pa lang ng pelikula ay kilig overload na ang hatid ng BarDa lalo na yung mga eksenang kinunan pa sa Seoul, South Korea. Kaya naman may K-drama feels talaga ang kanilang movie.

Sa naganap na grand mediacon ng “That Kind  of Love” ay game na game na sinagot nina Barbie at David tungkol sa kani-kanilang lovelife.

Knows ng lahat na boyfriend ni Barbie ang kapwa Kapuso star na si Jak Roberto kaya natanong kay David kung  sakaling single si Barbie, posible kayang ma-in love siya sa dalaga.

“To be honest, Barbie is a girlfriend material, she is nice, beautiful and very kind so to answer that question, yes but of course, we are here as a loveteam and we just do our best para pakiligin ang aming fans as a loveteam,” ang sagot ni David.

Baka Bet Mo: Pagho-holding hands, kulitan nina Barbie at David off-cam kinakiligan; Bea umubra kaya sa mga pasabog ni Andrea?

Ang sundot na tanong kay David ay kung single ba siya ngayon o taken na, “What you see is what you get, kung may nakita kayo sa social media ko na may kasama ako or sa daan na may ka-holding hands kayo na po ang humusga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Sumingit naman si Barbie at dumepensa para kay David, “Alam n’yo po kung may higit na nakakakilala kay David ako po ‘yun kasi ako ang madalas niyang nakakasama.

“He is a private person and as much as possible ayaw niyang pinag-uusapan ang personal niyang buhay kaya hayaan na lang po natin siya, sa kanyang personal na buhay,” sabi pa ni Barbie kay David.

At sa tanong kung ano’ng preparation ang ginagawa nila kung meron silang halikan o intimate scene, sagot ni Barbie, “Naku ‘yang si David nanghihiram sa akin ng toothpaste ‘yan.

“He make sure mabango hininga niya before our intimate scenes bilang respeto niya raw sa kin,” ang laugh nang laugh na chika ni Barbie.

Showing na ang “That Kind Of Love” sa July 10 sa lahat ng mga sinehan nationwide.

Kasama rin sa movie sina Arlene Muhlach, Al Tantay, Jeff Gaitan, Divine Aucina, Ivan Carapiet at Kaila Estrada. Ito’y mula sa panulat ni Ellis Catrina at direksyon ni Catherine Camarillo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This is produced by Pocket Media Productions and distributed by Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending