Sharon, Robin muling nagpasabog ng kilig at good vibes; fans nag-request ng part 2 ng 'Maging Sino Ka Man' | Bandera

Sharon, Robin muling nagpasabog ng kilig at good vibes; fans nag-request ng part 2 ng ‘Maging Sino Ka Man’

Ervin Santiago |November 13,2023
facebook
share this

Sharon, Robin muling nagpasabog ng kilig at good vibes; fans nag-request ng part 2 ng ‘Maging Sino Ka Man’

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 07:34 AM

Sharon, Robin muling nagpasabog ng kilig, good vibes; fans nag-request ng part 2 ng 'Maging Sino Ka Man'

Robin Padilla at Sharon Cuneta

NAGPASABOG ng kilig at good vibes sina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Robin Padilla nang muling magsama sa isang stage recently.

Special guests ang dalawang movie icon sa ginanap na 42nd anniversary celebration ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario.

Ibinahagi ng Megastar sa kanyang Instagram page ang mga litrato nila ni Robin na kuha sa nasabing event at isang video kung saan kinanta nila ng senador ang “Maging Sino Ka Man“, ang theme song ng kanilang blockbuster movie of the same title.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Ang caption na inilagay ni Ate Shawie sa kanyang IG post, “Happy 42nd Anniversary to our Viva Entertainment family!!!

“From your forever Carding @robinhoodpadilla and Digna/Monique !!! We love you!!! (3 red heart emojis) @viva_films (Parang punong-puno ang kalendaryo ko sa 2024),” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Manny, Jinkee parang mga teenager sa ka-sweet-an, netizens pinakilig: ‘Habang tumatanda, lalong tumitibay ang aming pagmamahalan’

Sa isa pa niyang post, “With Sen. @robinhoodpadilla singing the timeless, walang kamatayang biggest hit pa rin ng Viva Films na ‘Maging Sino Ka Man!'”

Sandamakmak na fans naman ang natuwa sa muling pagkikita nina Mega at Binoe with matching song number pa nga na ikinakilig ng mga bisita sa ika-42 anibersaryo ng Viva.

Ilan sa mga fans ang nag-request kina Boss Vic na pagtambalin uli sina Mega at Robin at gawan ng part 2 ang kanilang “Maging Sino Man”.

Narito naman ang mga comments ng netizens sa “reunion” ng dating magka-loveteam.

“Namiss ko yong luluhod kay Ma’am!”

“Aww NKATATAK N PO TALGA YUNG KANTA NA YAN SAINYO.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


“Ang gaganda at pogi pa din wlNg kupas.”

Baka Bet Mo: Sharon kay Robin: For the first time in 32 years, parang may nalimutan ka nu’ng January 6…Lab ko pa rin yan kahit nakakainis minsan

“Maging Sino ka man part 2. Ikakasal naman.”

“I love you Digna!!!! Nakooo nalasing na naman si Kuya Carding sa ganda mo.”

“Mama @reallysharoncuneta baka may mag selos po ah hahaha!”

“Nangangamoy new movie is waving or part 2 Ng maging sino ka man.”

“Yong titig ni binoy kay Sharon . Parang dati parin. puno nang paghanga.”

“Namimiss daw si digna. grabe iba din talaga ang shabin haha sobrang kilig din!”

“Diko kinaya yung holding hands!!! Huyyyy jusko, mamatay ako sa kilig!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We need part 2 of Maging sino ka man, mama @reallysharoncuneta !!! Nakailang ulit na po ako while doing my thesis paper.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending