40 patalbugan sa Bb. Pilipinas 2024, Rhea Tan official partner pa rin
MUKHANG mas magiging matindi ang labanan ngayong taon para sa 60th edition ng Binibining Pilipinas pageant na magaganap na sa July 17 sa Araneta Coliseum.
Para sa Diamond Jubilee year ng naturang national pageant, 40 kandidata ang magpapatalbugan sa grand coronation night para sa pinakaaasam nilang titulo.
Dalawang korona ang pag-aagawan ng 40 official candidates – ang Bb. Pilipinas International at Bb. Pilipinas Globe.
Baka Bet Mo: Rico Blanco susugal sa pagko-concert muli sa Araneta Coliseum: I’m happy to take on that risk…
Ang tatanghaling mga bagong reyna ang unang makapagsusuot ng mga bagong crown designed by renowned jewelry and accessory designer Manny Halasan.
View this post on Instagram
Samantala, matapos nga ang matagumpay na partnership last year, masayang inanunsyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership with Bb. Pilipinas organization.
Proud na sinalubong ni Misa Rei ang official candidates ng Bb. Pilipinas 2024 sa Beautéderm Headquarters nitong Friday, June 14, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na i-guide ang mga kababaihan sa entrepreneurship at self-care.
Kabilang sa spotted candidates ay sina Bb. Baguio, Bb. Quezon City, Bb. Bacolod City, Bb. Zamboanga City, Bb. Batangas City, Bb. Negros Occidental, Bb. Quezon Province, Bb. Bukidnon, Bb. Cavite, Bb. Pampanga, at Bb. Mandaluyong.
“I hope this partnership will inspire and empower Filipinas across the country to feel confident and beautiful in their own skin, and whatever career path they choose to be in,” saad ng Beautéderm boss.
Baka Bet Mo: Catriona Gray, Nicole Cordoves gagawa ng ‘history’ sa Bb. Pilipinas 2021
“Binibining Pilipinas organization has been helping women for so many years. I’m grateful for this partnership, celebrating talented, smart, and beautiful Filipinas.
“These young women may find inspiration and learnings from what I went through in my business journey. I am willing to share what I can and impart guidance,” dagdag pa ng matagumpay na lady boss.
Last May 22 naman nang pumirma ng kontrata si Miss Rei kasama ang ilang Bb. Pilipinas executives. Kaabang-abang talaga ang partnership na ito dahil isang malaking beauty brand ang Beautéderm.
View this post on Instagram
Inanunsyo rin ng business magnate na ang makakasungkit ng Ms. Beautéderm title ay mag-uuwi ng P500,000 worth of Beautéderm products para sa negosyo at P150,000 cash sa coronation night.
“For the Ms. Beautéderm title, we want a proud Filipina who is aspirational, confident, and has a heart for others. We cannot wait to crown the Ms. Beautéderm on coronation,” saad ni Miss Rei.
Tutukan ang 60th Binibining Pilipinas coronation night sa July 7 sa Araneta Coliseum with Beautéderm as the official skincare partner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.