Catriona Gray, Nicole Cordoves gagawa ng ‘history’ sa Bb. Pilipinas 2021
SA unang pagkakataon (sa beauty pageant history) ay parehong babae ang magiging host sa gaganaping Binibining Pilipinas 2021 coronation night sa Hulyo 11 sa Smart Coliseum.
Sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Grand International 2016 1st Runner-up Nicole Cordoves ang napiling mga host sa nasabing pageant base na rin sa post ng una sa kanyang Instagram account nitong Hunyo 5.
Ang caption ni Catriona sa larawan nila ni Nicole, “Pageantry Redefined. @binibiningnicolecordoves and I are your first all-female hosting tandem in herstory for #BinibiningPilipinas2021 @bbpilipinasofficial.
“Witness history this July 11, 2021, 9:45PM at the Smart Araneta Coliseum. Watch on A2Z or the @bbpilipinasofficial YouTube channel.
“Photography @bjpascual | beauty @jellyeugenio @paulnebreshair | styling (cat) @perrytabora (nicole) @bonitapenaranda.”
Sa Hulyo 11 malalaman kung sino ang mananalong Miss International, Miss Grand International, Miss Intercontinental at Miss Globe.
Samantala, ang saya-saya ngayon ng dalaga dahil umabot na sa mahigit 12 million ang followers niya sa Instagram kaya naman pinasalamatan niya ang lahat ng nagpa-follow sa kanyang account.
Aniya, “12 Million? That’s crazyyyy thanks for following along with this adventure called life. Grateful for all of you!
“Glow @fentyskin #HYDRAVIZOR @fentybeauty #EAZEDROP @jellyeugenio @paulnebreshair @justine.aliman19 captured by @altaniameen video @paulnebreshair.”
Nasa ikalimang puwesto na ang dalaga sa mga Filipino female celebrities na may pinakamaraming followers na pinangungunahan ni Anne Curtis na may 16.8M; Liza Soberano 15.8M; Kathryn Bernardo 15M; at Pia Wurtzbach 12.3M.
Samantala, na-release na ang version ni Catriona na “Raise Your Flag” (RYF) na naunang kinanta ni KZ Tandingan mula sa Star Music.PH
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.