Break-up nina Nash at Mika naging daan para mapabilis ang kasal

Hiwalayan nina Nash at Mika naging daan para mapabilis ang kasalan

Ervin Santiago - June 18, 2024 - 12:15 AM

Hiwalayan nina Nash at Mika naging daan para mapabilis ang kasalan

Mika dela Cruz at Nash Aguas

KNOWS n’yo ba na walang balikan o nangyaring suyuan kina Mika dela Cruz at Nash Aguas matapos silang magkahiwalay ng ilang buwan?

So, paano humantong agad sa kasalan ang dalawang dating child star nang walang naganap na balikan o ligawan uli after their breakup?

Ayon sa celebrity couple, ang hiwalayan nila ang naging daan para mauwi sa kasalan ang lahat. Yan ay base sa naging panayam sa kanila ng GMA morning show na “Unang Hirit.”

Baka Bet Mo: Nash Aguas handa nang pakasalan si Mika dela Cruz anytime, pero…

Pahayag ni Mika, naging isyu sa relasyon nila ni Nash ang kanyang health condition na sinabayan pa ng pagkamatay ng kanyang mga magulang.

“We came to a breaking point,” ani Mika na ang tinutukoy nga ay ang paghihiwalay nila ni Nash noong August, 2023. Dito na natigil ang kanilang komunikasyon.

Sabi ng aktres, isang araw ay bigla na lang siyang pinuntahan ni Nash sa bahay para mag-propose. Siyempre, shookt ang sisteraka ni Angelika dela Cruz sa paandar ni Nash.

“August 3 kami naghiwalay, hindi kami magkausap. Pumunta na lang siya sa bahay bigla nung January 4 tapos nag-propose,” kuwento ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin naman ni Nash na bago pa raw sila mag-break ni Mika ay talagang balak na niyang mag-propose sa aktres.

Baka Bet Mo: Nash Aguas umalma sa chikang buntis ang dyowang si Mika dela Cruz

“First time I sought His will, sabi ko, Lord, bakit ganun, bakit parang may mali? Pinag-pray ko na, if it’s Your will, then Your will be done.

“Pero if hindi kami para sa isa’t isa, sana paadaanin mo na sa kanya, kasi ‘di ko kayang makipag-break kasi I love her too much.

“We were a mess, pero ‘yung nandoon lang is ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa,” pagbabahagi pa ng aktor.

At nang mag-yes na siya kay Nash at tuluyan nang magkabalikan, nakaramdam daw siya ng inner peace at nawala ang lahat ng takot at pangamba niya sa buhay.

“What happened was really God doing his work sa aming dalawa,” sey ni Nash.

Sey naman ni Mika, nagpapasalamat siya sa Diyos nang bonggang-bongga dahil kahit bumitiw sila sa kanilang relasyon ay sila pa rin ang nagkatuluyan sa ending.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ginanap ang Christian wedding nina Mika at Nash sa Tagaytay City noong May 18, 2024 na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending