Bernadette nagselos kay Donita; Gary 2 babae lang ang binalikan

Bernadette pinagselosan si Donita; Gary 2 babae lang ang binalikan

Ervin Santiago - June 17, 2024 - 08:05 AM

Bernadette pinagselosan si Donita; Gary 2 babae lang ang binalikan

Donita Rose, Gary Estrada at Bernadette Allyson

KUNG may isang babaeng nakarelasyon ang seasoned actor na si Gary Estrada na pinagselosan ni Bernadette Allyson, yan ay walang iba kundi si Donita Rose.

Yan ang rebelasyon ni Bernadette nang mapag-usapan ang tungkol sa love story nila ni Gary at ng ilang babaeng naging bahagi ng buhay pag-ibig noon ng Kapuso actor.

Sa panayam ni Carmina Villarroel sa weekly morning talk show nilang “Sarap ‘Di Ba?” sa GMA 7, sinabi ni Bernadette  na naging open naman sa publiko noon ang relasyon nina Gary at Donita.

Baka Bet Mo: Bernadette Sembrano bet magkaanak, hindi pa rin nawawala ng pag-asa kahit 46 na

Noong nagkakasama pa lang daw sila sa trabaho ni Gary at wala pang relasyon, ni-reveal ni Bernadette na naglalabas daw ng mga problema ang aktor sa kanyang nanay.

Kaya naman knows na knows ni Bernadette kung gaano kalalim ang naging relasyon nina Gary at Donita ilang taon na rin ngayon ang nakararaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e)


Sabi naman ng aktor, umabot din sila ni Donita ng siyam na taon pero “on and off” daw yun at sa lahat daw ng naging dyowa niya ay sina Bernadette at Donita lang ang kanyang binalikan.

Sey ni Bernadette, 10 months pa lang ang relasyon nila ni Gary nang magdesisyon silang maghiwalay. Isa sa mga naging rason ang pagiging busy nila sa work.

“Naghiwalay kami, 10 months together and then after 10 months we broke up, ewan ko, Christmas of that year. Parang nagkaka-falling out of love, busy sa trabaho, pareho kaming busy tapos hindi ko alam,” pagbabalik-tanaw ng aktres.

At sa loob daw ng isang taon after silang mag-break ni Gary ay wala siyang naging boyfriend, hanggang date-date lang daw siya habang ang aktor ay nagkaroon ng ibang karelasyon.

Baka Bet Mo: Ano ang kuwento sa likod ng bagong hairstyle ni Bernadette Sembrano?

Muling nagparamdam sa kanya si Gary after one year at nagsabing gusto nitong makipagbalikan pero hindi niya tinanggap ang aktor pero inamin niyang may feelings pa rin siya kay Gary.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e)


“2001 noong bumalik siya parang gusto niya makipag-girlfriend-boyfriend ulit, Valentine’s yun.

“Sabi ko, ‘no’ ayaw ko pa, kasi nag-e-enjoy na ako ng dating-dating. Pero I still have feelings for him kasi bumabalik siya, ine-entertain ko pa rin, e,” ani Bernadette.

After a month ng pagiging “magkaibigan”, bigla raw nag-propose si Gary kay Bernadette at nag-yes naman daw agad ang aktres.

“Sa kasal nag-yes pero sa girlfriend-boyfriend nag-no,” ang super laugh na  sabi ni Bernadette.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpakasal ang celebrity couple noong June 16, 2001 at biniyayaan ng tatlong anak na puro girls – sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice, at Gianna Bettina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending