Gary never nakatanggap ng indecent proposal: Na-offend ako!

Gary Estrada never nakatanggap ng indecent proposal: Na-offend ako!

Ervin Santiago - May 21, 2024 - 12:05 AM

Gary never nakatanggap ng indecent proposal: Kaya nga nao-offend ako!

Bernadette Allyson at Gary Estrada

“NA-OFFEND ako!” Yan ang hirit ni Gary Estrada nang matanong kung may mga natanggap ba siyang indecent proposals noong kabataan niya.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa mga alok o offer ng mga matrona at bading sa mga male celebrities sa entertainment industry sa guesting ni Gary sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Kahapon, May 20, nakachikahan ni Tito Boy ang Kapuso actor at isa sa mga itinutiring na heartthrob noong kapanahunan niya sa showbiz.

Baka Bet Mo: Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

Ito ang unang pagkakataon na na-interview ng premyadong TV host ang aktor makalipas ang mahabang panahon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gary Ejercito (@garyejercito)


Sa isang bahagi nga ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay nadako ang usapan sa naging buhay ni Gary noong nagsisimula pa lamang siyang mag-artista.

Kuwento ng seasoned actor, una raw niyang pinasok ang pagmomodelo noong siya ay 16 years old pa lamang at pagsapit ng edad 19 ay nagdesisyon na siyang mag-artista tulad ng kanyang mga kapamilya.

In fairness, talaga namang sumikat din nang todo si Gary noon at kinilala bilang isa sa mga matinee idol at heartthrobs ng dekada ’90. Nagpa-sexy din siya sa ilang pelikula ng Viva Films.

Isa nga sa mga tinanong ni Tito Boy sa aktor ay kung nakatanggap din ba siya ng mga indecent proposals dahil sa pagiging sexy actor.

“Indecent proposals? Nabastos ka ba?” diretsong tanong ni Tito Boy kay Gary.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nagpakumbaba: ‘Kung na-offend man ‘yung iba sa aming ibinabalita, in general po ito ha, kami po ay humihingi ng sorry’

Natawa muna ang aktor sabay dialogue ng, “Funny, no one really offered me. Kaya nga na-o-offend ako, e.”

Patuloy pa ni Gary, “Walang nag-alok sa akin kahit sino. Sabi ko, iniisip ko ngayon Tito Boy going back at it, ‘Pangit ba ako? Hindi ba ako sexy? Kahit paano may laman naman ng konti ang utak ko,’ pero wala talaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e)


Pero katwiran niya, “Siguro I guess, because siyempre, I came from the Ejercito Estrada kaya siguro ilag sila kasi alam nilang brusko ang pamilya namin.

“So, kapag nga ang inaway mo medyo ilag sila kasi alam nila na mahaba ‘yung pisi kumbaga marami kami,” esplika pa ng aktor.

“Nao-offend nga ako e. Bakit nga ba wala?” natatawa pang dugtong na pahayag ng aktor.

Sa ngayon ay masayang-masaya si Gary sa piling ng asawang aktres na si Bernadette Allyson.

Biniyayaan sila ng tatlong anak na babae – sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkaanak din si Gary sa dating aktres na si Cheska Diaz, at yan ay ang magaling ding aktor na si Kiko Estrada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending