Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal | Bandera

Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

Therese Arceo |July 28,2021
facebook
share this

Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

Therese Arceo - July 28, 2021 - 05:23 PM


MUKHANG hindi pa rin tapos ang ober da bakod stories ng mga taga-Mother Ignacia papuntang Kamuning.

Muli kasing nabuhay ang usap-usapan ng paglipat ni Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Kapuso network matapos itong banggitin ng vlogger at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

Naging usap-usapan na kasi noon na tila nililigawan ng GMA7 ang real life couple para maging parte ng kanilang network. Chika pa noon, under negotiation na raw ito.

Sey naman ni Ogie, kung ito man ay may katotohanan, may chance raw na pinayagan ng mga boss ng Kapamilya ang dalawa.

Giit pa nito, hindi naman daw porke lumipat ang dalawa ay wala nang utang na loob ang mga ito.

Hindi naman daw malalayo ang dalawa kung sakaling tuloy ang paglipat nito dahil nasa Kapuso na rin naman si Mr. M o Johnny Manahan na naging tatay-tatayan na rin nila sa ABS-CBN.

Bagama’t wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa, bukas naman ang Bandera para sa kanilang paliwanag.

* * *

Umamin naman ang isa sa mga Hashtag members na si Kid Yambao na nagkaroon ng moment sa kanyang showbiz career kung saan nakatanggap siya ng indecent proposal.

Bahay at lupa pati na raw sasakyan at condo ang mga naging sagot ng binata nang tanungin ito kung ano ang pinakamataas na naging offer sa kanya.

Hindi raw pumayag ang binata sa offer ng mayamang beki dahil sa kondisyon nito na makipag-live in.

Pero nang tanungin kung papayag siya kung walang live in, payag naman daw ang binata sabay tawa at apir kina Ogie Diaz at Mama Loi.

Singit pa niya, may offer din daw itong monthly allowance sa kanya.

Pasabog pa nito, kaibigan niya ang real dyowa ng mayamang beki kaya hindi pumayag ang binata.

Inamin rin nito na sumagi sa isip niya na tanggapin ang offer sa kanya noong mga panahon na ‘yun.

“Kung iisipin mo, easy access sa buhay ‘yun, eh. Hindi naman sa pag-aano pero nagpapakatotoo lang,” saad ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinuri naman siya ni Mama Loi dahil hindi raw lahat ng artistang lalaki ay magiging open kapag tinanong tungkol sa usapin ng indecent proposal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending