Gary sinabing marumi ang politika sa Pinas: Babaliktad sikmura mo

Gary pinatunayang marumi ang politika sa Pinas: Babaliktad sikmura mo

Ervin Santiago - May 22, 2024 - 07:20 AM

Gary pinatunayang marumi ang politika sa Pinas: Babaliktad ang sikmura mo

Gary Estrada at Bernadette Allyson

MAS matindi at mas marumi raw ang mundo ng politika kung ikukumpara sa showbiz, ayon sa seasoned actor na si Gary Estrada.

Noong hindi na gaanong aktibo si Gary sa pag-aartista ay pinasok din niya ang public service. Naging provincial board member noon at tumakbo ring vice mayor.

Sa pagbisita niya sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, May 20, natanong siya kung ano ba ang pagkakaiba ng showbiz at politika.

Baka Bet Mo: Gary V pinakilig na naman ang netizens sa birthday message para kay Angeli Pangilinan, wish makapag-travel na magkasama sa marami pang lugar

Ayon kay Gary, mas grabe raw ang intriga sa politika, talagang hindi mo kakayanin kung mahina-hina ang loob mo at wala talaga sa puso mo ang paglilingkod sa mga tao.

“Ang pagkakaiba nila kung ito lang ang intriga sa pag-aartista, doon sa politika babaliktad talaga ang sikmura mo. Ganu’n siya kadumi,” ang pahayag ni Gary.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dagdag pa niya, “At the end of the day, kahit anong gawing mong maganda, meron at meron…kulang pa rin.”

Pero agad namang nilinaw ng Kapuso actor na hindi iyon ang major reason kung bakit nagdesisyon siyang mag-quit na sa politics.

“No. I guest it’s not the right time,” sabi ng husband ng aktres na si Bernadette Allyson.

Baka Bet Mo: Coco Martin todo ang pasasalamat kay Gary V: Kung alam n’yo lang, sobrang mahal na mahal ko kayo!

Sa tanong ni Tito Boy kung may balak pa ba siyang bumalik sa mundo ng politika, nabanggit ni Gary na hindi pa siya makakapagdesisyon sa ngayon.

Aniya, happy naman daw siya kung saan man siya naroon ngayon at nag-eenjoy siya uli sa pag-arte lalo na ngayon na isa na siyang certified Kapuso.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e)


Pumirma si Gary ng kontrata sa GMA Network bilang Sparkle artist. Inamin niya na totoong nawala noon ang “drive” niya sa pag-aartista pero nanumbalik na raw ito ngayon.

Kung mabibigyan ng chance, gusto niyang makasama sa mga susunod niyang projects ang mga anak niyang aktor na rin na sina Rob Gomez at Kiko Estarda.

Si Kiko ay anak ni Gary sa dating aktres na si Cheska Diaz habang si Rob ay anak niya sa former actress ding si Kate Gomez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, maligayang-maligaya pa rin ang aktor sa piling ng kanyang asawang si Bernadette. Meron silang tatlong anak na puro girls – sina Garielle Bernice, Garianna Beatrice at Gianna Bettina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending