Trillanes magaling magdrama, paawa epek; Cayetano hinamon
ARAW-ARAW na lang ay merong inihahaing reklamo sa pamilya ni Vice President Jojo Binay and mostly about overpricing (of whatever). From the presyo of a city hall building to school infrastructures, ekta-ektaryang lote sa Batangas, at kung anu-ano pa. Lahat ay pilit na pinaaako sa mga Binay.
In short, a scheme to really destroy the Binays dahil hindi naman kaila sa ating lahat that the family is the strongest political name in the forthcoming 2016 elections.
Takot sila sa mga Binay dahil malamang na mananalo talaga si VP sa panguluhan sa nalalapit na national campaign kaya this early ay sinimulan na nila ang demolition job against them.
I haven’t worked with the Binays in my entire life but I have seen Philippine politics all these years at ang masasabi ko lang ay talaga marumi ang politika sa atin.
Lalo na doon sa mga taga-administrasyong ayaw lisanin ang kanilang mga posisyon – or if not, gusto nila ay kaalyado pa rin nila ang papalit para maprotektahan sila sa mga anomalyang nagawa nila in this term.
Takot silang mabenggahan dahil iyon din ang ginawa nila sa kanilang termino – ang benggahan nang benggahan ang nakaraang administrasyon. Kaya ganoon na lang katindi ang pilit nilang pagpabagsak sa mga Binay sa pulitika.
Kasi nga, nakita nila sa survey na lagpas 70 porsiyento ang approval rating VP Binay sa anumang talaan. Yes, in a way ay nakapuwing sila ng konti as far as pagpapababa sa rating ni Binay pero not enough para masabing matatalo siya sa 2016.
Siya pa rin kasi ang leading. Kaya malamang na hindi sila magwawagi sa maitim nilang balakin against the Binays. He may be the darkest amongst the contenders but he’s the brightest of them all pa rin. Ha-hahaha!
Nakakalungkot lang panoorin ang Philippine politics and yes, nakakapagod na sila. May mga kababayan pa rin tayong nagpapadala sa bad press pero nais lang naming ipaalala sa kanila that there are some issues out there na hindi totoo.
Subject for trials pa – not through bad publicity. Bakit? Kung matino ang pamahalaang ito ngayon, sige nga – sagutin niyo kami – nasaan na ang pondong nakalap ng bansa para sa Yolanda?
Hanggang ngayon, isang taon na ang nakalipas pero homeless pa rin ang karamihan sa mga kababayan natin sa Leyte. Darating na ang Santo Papa sa Enero at kaniya-kaniya na sila ng pagmamadali para bihisan ang Tacloban dahil parating na ang “langit”.
Kaya ang mga nais mag-donate para sa mga biktima ng Yolanda ay ayaw nang ipadaan sa gobyerno dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na nakita nilang hindi naman pala ito nagamit para sa mga nasalanta.
Nagtatanong na ang buong mundo – where did the funds go? Napakaraming pera noon, sino ang may hawak noon? Di ba ang present administration? Bakit nakasentro lang kayo sa mga Binay?
Kani-kaniyang grandstanding ang mga wannabes na sina Antonio Trillanes at Allan Peter Cayetano – they take turns in lambasting the Binays and whoever na sa tingin nila ay malaking threat sa kanila.
Kunwari matalino at concern sa bayan, eh, wala naman silang kontribusyon actually sa bansa natin. Pa-underdog kuno ang drama ni Trillanes pero sa totoo lang, sipatin ninyo nang husto – he’s damn rich na raw in real life but he is acting like a pauper.
Huwag kayong palinlang sa mga kadramahan niya sa buhay. Hindi sa kinakampihan ko ang mga Binay – let them answer the facts at the proper forum, ang problema kasi sa atin sa Pilipinas – the administration is obviously harassing them.
Hindi sila fair sa kanilang trials. Nowhere to go kumbaga. Ang ending nito, the Binays get the sympathy of the people dahil naliliwanagan na sila kung ano ba ang nasa likod ng lahat ng ito – that’s just plain dirty politics – NO LESS.
Kaya huwag na kayong paloloko. The Binays may not be perfect but who is? Sige nga! Tell me of a pulitiko sa Pilipinas na hindi nagpayaman – you can even ask Trillanes and Cayetano straight to their faces.
Pag nasagot nila ito nang diretsong mata sa mata, ililipat ko ang boto ko sa kanila kahit masama pa ang loob ko. At sino ang gusto ninyong manalo – si Mar Roxas? Oh no! Sino? Sino? Sino? Meron pa bang ibang choices?
Wala naman talaga, di ba? Unless Sen. Grace Poe runs, baka mabago ang pananaw ko. Ang pagpipilian ko kung gayon ay amongst Binay, Cayetano and Roxas – kayo, sino ang choice ninyo? Ang layo ni Binay kina Cayetano and Roxas, di ba? Kaloka!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.