Coco Martin todo ang pasasalamat kay Gary V: Kung alam n’yo lang, sobrang mahal na mahal ko kayo!
“MARAMING-MARAMING salamat sa lahat ng suporta at pagmamahal niyo po sa akin personally! Yan ang mensahe ng Teleserye King na si Coco Martin kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano.
Isa si Gary V sa mga celebrities na talagang iniidolo at nirerespeto ni Coco simula pa noon. Itinuturing din niyang inspirasyon ang veteran singer-actor dahil na rin sa mga naiambag nito sa entertainment industry.
Nag-celebrate ng kanyang birthday sa “Magandang Buhay” kamakailan si Gary at dito nga ipinalabas ang video message ng lead star ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na nagtapos na nga last Friday.
Pinasalamatan muna ni Coco si Gary sabay sabing, “Sa lahat po ng teleseryeng ginawa ko ay lagi kayong nandiyan para tulungan ako. Kayo po ang inspirasyon ko, kayo po ang lucky charm ko.
View this post on Instagram
“At kayo ang hinahangaan ko bilang tao at bilang isang magaling na mang-aawit at artista. Salamat po sa lahat. Kung alam niyo lang at sobrang mahal na mahal ko kayo.
“Sana po ay lagi kayong maging malakas at ligtas at laging masaya. God bless you and more power at sana ay magkita ulit tayo sa ‘ASAP.’ At walang sawa po akong magpapasalamat at yayakapin kayo,” mensahe pa ni Coco kay Gary.
Reaksyon naman ni Gary sa madamdaming message ng award-winning actor, “Si Coco kasi after my operation, siya yung isa sa mga artista na bumisita sa akin. Tapos sabi niya puwede ba akong gumawa ng theme song which is ‘Ililigtas Ka Niya.’
“Sabi ko sa kanya matagal na akong hindi nagsusulat ng kanta. Sabi niya, ‘hindi po, baka puwede kayong mag-collaborate ni Jonathan Manalo. Pero Sir Gary gusto namin ng kanta na hindi lang magiging theme song ng ‘Ang Probinsyano’ pero yung maaaring maging theme song din ng buhay ng tao.’
“Tapos ‘yung ‘Ililigtas Ka Niya’ yan nga ang naging result. So, thank you so much Coco,” ani Gary na siya ring kumanta ng “Wag Ka Nang Umiyak” para sa “Ang Probinsyano.”
At para naman sa kanyang birthday wish, “I am really praying for good health. Siyempre lahat tayo ngayon ay laging health ang nasa isip natin.
“Kasi hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas, kung ano ang maaring maging bagong virus. Siyempre ayaw natin ‘yan but it seems like the world is so uncertain now.
“So I’m praying na I just stay in good health para sa ganun I have many more years of being able to inspire, and to encourage, and to be able to maximize yung ibinigay sa akin ni Lord.
“Para sa ganoon kapag dating ng oras o panahon na makita ko Siya face-to-face, marinig ko Siyang magsabi ng ‘hey good fight, you ran a good race, you fought a good fight.’ And I’ll be like ‘yeah,'” pahayag pa ni Mr. Pure Energy.
https://bandera.inquirer.net/295785/gary-v-hindi-lalayasan-ang-abs-cbn-wala-ring-balak-sumabak-sa-politika
https://bandera.inquirer.net/306681/regine-gary-hindi-maramot-sa-pagse-share-ng-tips-sa-mga-kapwa-singer-we-dont-want-that-to-die-with-us
https://bandera.inquirer.net/310506/gary-angeli-sa-mga-nambu-bully-kay-gab-valenciano-sa-socmed-pease-stop-bashing-our-son
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.