Sofia pak na pak bilang 'bride' sa isang fashion show sa Spain

Sofia Andres pak na pak bilang ‘bride’ sa isang fashion show sa Spain

Reggee Bonoan - June 14, 2024 - 09:54 AM

Sofia Andres pak na pak bilang 'bride' sa isang fashion show sa Spain

PHOTO: Instagram/@iamsofiaandres

IKINASAL na nga ba si Sofia Andres sa tatay ng anak niyang si Daniel Miranda sa Spain?

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ng aktres ang suot na wedding gown habang naglalakad sa red carpet na patungo sa harapan at may mga tao sa gilid.

Pero wala namang ipinakita na kasama niya si Daniel na nakasuot din ng pangkasal o kaya namang picture na nasa harapan sila ng altar, pero may mga posts siya na makikitang kausap ni Sofia ang nanay ng partner niya na si Angelique Lhuiller-Miranda.

Bukod diyan, may picture din siya na kasama ang lolo ni Daniel na si Ginoong Philippe Lhuiller na Philippine Ambassador sa Spain.

Baka Bet Mo: Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

Sofia Andres pak na pak bilang 'bride' sa isang fashion show sa Spain

PHOTO: Instagram Stories/@iamsofiaandres

At nang i-zoom namin ang pangalang nasa gillid ay fashion show pala ito ng designer na si Hector ‘Totong’ Gellangarin at si Sofia ang nagsuot ng bridal gown na ang titulo ng show ay “Kultura Filipina.”

Anyway, mukhang malabong magpakasal pa sina Sofia at Daniel kahit may anak na silang si Zoe na ngayon ay limang taon na sa Nobyembre sa susunod na taon.

Nabanggit kasi dati ng aktres sa isang panayam na, “It’s not the time yet talaga. In God’s time. Kasi married or hindi, you’ll never know kung kayo ba talaga.”

“Kasi may mga married na naghihiwalay din. May mga hindi married na nagtatagal, so in God’s time,” paliwanag pa ng celebrity mom.

Mukhang okay naman ang relasyon nina Sofia at Daniel na ngayon ay pitong taon na silang magkarelasyon simula pa noong 2017 at nabiyayaan ng isang anak na babae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, kasalukuyang nasa bakasyon sina Sofia at Daniel kasama ang anak na si Zoe sa Madrid, Spain na base na rin sa post ng aktres sa kanyang IG stories na kasama ng anak ang lola Angelique nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending