Zonia wish maging sirena; Alden, BarDa gora sa Independence Day

Zonia Mejia wish maging sirena; Alden, BarDa gora sa Independence Day

Ervin Santiago - June 12, 2024 - 07:00 AM

Zonia Mejia wish maging sirena; Alden, BarDa gora sa Independence Day

Bea Alonzo at Zonia Mejia

WISH ng Kapuso star na si Zonia Mejia na gumanap na sirena sa isang teleserye o pelikula at pangarap din niya ang maging action star.

In fairness, mukhang bagay naman sa dalaga ang maging mermaid dahil bukod sa kanyang maamong mukha ay may ibubuga rin naman siya pagdating sa aktingan.

Napanood si Zonia sa iba’t ibang Kapuso series tulad ng “Sahaya” ni Bianca Umali, “Heartful Café” nina Julie Anne San Jose at David Licauco, at “I Left My Heart in Sorsogon” starring Heart Evangelista and Richard Yap.

Sa ngayon ay napapanood si Zonia bilang si Trixie sa legal series na “Lilet Matias, Attorney-At-Law” na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Baka Bet Mo: Juday umiyak nang bongga nang mapurnada ang pagganap na sirena sa ‘Dyesebel’

Natanong ang dalaga sa panayam ng GMANetwork kung ano ang kanyang dream role o ano pang klaseng project ang nais niyang gawin in the future.

“Lagi ko ‘tong sinasabi, gusto ko maging sirena kasi swimmer ako, competitive swimmer ako and love ko ‘yung swimming and syempre love ko ‘yung acting.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zonia Ysabel Mejia (@itszonia)


“So if pinagsama ko ‘yon, ‘yung dalawang bagay na passionate ako, sobrang siguro masaya, masayang gawin.

“And gusto ko rin gumawa ng action na show or na character,” chika pa niya.

Samantala, isa pa sa mga nasa wish list ni Zonis bilang aktres ay ang makatrabaho sana ang award-winning Kapuso star na si Bea Alonzo.

“Ang galing, galing kasi niya. If ever sana pagbigyan man, kahit kapatid lang, basta makatrabaho ko lang siya. Ma-experience ko lang na maka-work siya kasi sobrang galing ni Ms. Bea Alonzo,” ani Zonia.

* * *

Siguradong memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan (June 12) sa iba’t ibang regions sa bansa dahil pupunta ang ilang Kapuso stars para makiisa sa selebrasyon at maghatid ng di-matatawarang entertainment.

Baka Bet Mo: Sofia Pablo nakatanggap ng bonggang regalo mula sa GMA, magbabalik na bilang Raya Sirena

Ilan sa mga ito ang bida sa upcoming primetime series na “Pulang Araw” na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, Alden Richards, at Dennis Trillo.

Sa bandang Norte ang tungo nina Kapuso stars Dennis Trillo, Ashley Ortega, at Mariane Osabel dahil makikiisa sila sa Independence Day Celebration ng mga Tarlaqueño sa Tarlac City Plazuela, Tarlac City, 7 a.m.

Tutungo namang Batangas sina Kapuso artists Sanya Lopez at John Rex para maki-join sa Flag Raising Ceremony sa Batangas Provincial Capitol, Batangas City, 7 a.m.

Good news naman sa mga Kapusong Dabawenyo dahil makakasama nila si Alden Richards sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan na idaraos sa Rizal Park, Davao City, 7 a.m.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Sa hapon naman, matutunghayan nila ang mga nakakikilig na sorpresang inihanda ni Alden para sa Kapuso Fans Day sa Atrium, Gaisano Mall of Toril, Davao City, 4 p.m.

Hindi pa nagtatapos d’yan ang magandang balita dahil lilipad naman pa-Cebu sina David Licauco at Barbie Forteza para sa Independence Day Celebration sa Presidencia, Mandaue City, 7 a.m.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Itutuloy ng BarDa ang fun-filled bonding kasama ang mga Cebuano via a Kapuso Fans Day sa Event Center, SM City Cebu, Cebu City, 3 p.m.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending