Philmar isiniwalat ang laman ng ginawang liham para kay Jaclyn

Philmar Alipayo isiniwalat ang laman ng ginawang liham para kay Jaclyn

Ervin Santiago - June 12, 2024 - 12:20 AM

Philmar Alipayo isiniwalat ang laman ng ginawang liham para kay Jaclyn

Philmar Alipayo at Andi Eigenmann kasama ang mga anak at si Jaclyn Jose

FOR the first time, mula noong araw na pumanaw si Jaclyn Jose, ay nagkuwento si Philmar Alipayo tungkol sa ginawa niyang sulat para sa premyadong aktres.

Ito pala yung liham na isinulat ng champion surfer para kay Jaclyn upang hingin sa kanya ang kamay ni Andi Eigenmann bago gawin ang kanyang marriage proposal.

Sa panayam kina Andi at Philmar ng limited talk series na “My Mother, My Story” hosted by Boy Abunda, nai-share nga ng engaged couple kung paano nila hiningi ang blessing ni Jaclyn tungkol sa plano nilang pagpapakasal.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann naka-bonding ang anak ni Philmar habang nagbabakasyon sa France

Sa ginawang letter ni Philmar, sinabi niya sa nanay ni Andi kung gaano niya kamahal ang aktres pati na ang anak nitong panganay na si Ellie (anak ni Andi kay Jake Ejercito).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sinabi ko na, ‘Siyempre sobrang mahal na mahal ko si Andi. Alam kong mahal na mahal mo rin…na promise na aalagaan ko siya,'” ang pahayag ni Philmar na halatang hindi pa sanay sa pagpapa-interview sa TV.

Ipinarating din niya kay Jaclyn na parang tunay na anak na rin ang turing niya kay Ellie kasabay ng pangakong hinding-hindi niya pababayaan ang mag-ina.

“Si Ellie na rin po. Kung gaano ko siya (Andi) kamahal, ganoon din ang pagmamahal ko kay Ellie,” sabi pa raw ni Philmar kay Jaclyn.

Baka Bet Mo: Andi Eigenmann aminadong ‘hirap’ matapos ang pananalasa ng bagyong Odette: There’s still so much to be grateful for

Sa hiwalay namang panayam sa engaged couple ng “Fast Talk with Boy Abunda,” keribels din daw ang relasyon nila nila ni Jaclyn bilang magbiyenan.

Mahilig daw talagang magpakain si Jaclyn at palagi siyang niyayaya nito na lumafang. Pati nga raw sa mga sawsawan ay palagi siyang tinuturuan ng yumaong aktres kung saan babagay na mga putahe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kapag nagpapakain iyon, papakain talaga, kung ano gusto mong pagkain (ise-serve niya),” kuwento ni Philmar.

Sey naman ni Andi, “Kahit ano’ng feel niya (Jaclyn), ‘yung parang…kasi si nanay is impulsive, kung ano feel niya kahit ano pa ‘yan, tinatanggap lang ni Philmar.”

Ngayong 2024 sana ikakasal sina Andi at Philmar pero nagdesisyon silang ipagpaliban muna ito dahil sa pagkamatay ni Jaclyn.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa raw talaga sa mga wish ng namatay na award-winning actress ang makitang ikinakasal sina Andi at Philmar. Sey ng altres, siguradong magiging super happy daw si Jaclyn kapag nakitang nagpapalitan na sila ng “I do.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending