Andi ‘emosyonal’ sa pagtanggap ng parangal para kay Jaclyn Jose

Andi Eigenmann ‘emosyonal’ sa pagtanggap ng parangal para kay Jaclyn Jose

Pauline del Rosario - April 20, 2024 - 11:01 AM

Andi Eigenmann ‘emosyonal’ sa pagtanggap ng parangal para kay Jaclyn Jose

PHOTO: Screengrab from Instagram/@andieigengirl

HALOS mangiyak-ngiyak ang celebrity mom na si Andi Eigenmann nang tanggapin ang pagkilala para sa yumao niyang ina na si Jaclyn Jose.

Pinarangalan kasi ang legendary actress ng “Honorary Distinction Award” sa naganap na Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong April 19.

Nakunan ng INQUIRER.net ang emosyonal na talumpati ni Andi sa nasabing awards ceremony at dito niya inihayag ang kanyang pagkatuwa at pasasalamat para natanggap ng ina.

“Para sa aking nanay na si Jaclyn Jose, masaya po akong tumatayo dito para tanggapin ang parangal na ito para sa kanya. Maraming salamat po sa Film Development Council of the Philippines sa pagbigay ng parangal na ito para sa kin nanay na si Jaclyn Jose,” panimula ng dating aktres sa kanyang speech.

Patuloy niya, “Ako po ay pinagpala na lumaki sa mga kamay ng isang napakagaling na aktres na ibinigay ang buong buhay, ang buong puso, buong kaluluwa niya sa paglikha ng mga pelikula at sa pag-arte.”

Baka Bet Mo: Andi naiyak sa natuklasan sa phone ni Jaclyn: ‘She’s been my biggest fan’

Inamin din ni Andi na masakit para sa kanya ang makatanggap nito bilang naaalala niya ang pagpanaw ng ina, pero sigurado daw siya na masayang-masaya si Jaclyn sa ibinigay na award.

“She deserves this award and thank you so much for that recognition,” wika ng anak ng iconic actress.

Ani pa niya, “Masaya ko pong ihehelera ito kanyang mahigit 50 na tropeyo dahil sa kanyang galing sa pag-arte.”

Sa Instagram Stories, proud na ibinandera ni Andi ang kanyang picture habang nasa stage at hawak-hawak ang tropeyo ng kanyang nanay.

Ibinida niya rin ang kanyang formal look para sa gabing iyon at makikitang kasama niyang nagpunta sa event ay ang longtime partner na si Philmar Alipayo.

Ayon kay Andi, ito ang kauna-unahang formal event na dinaluhan nilang magkasama ni Philmar.

“First formal event with @chepoxz. Para kay nanay [red heart emoji],” caption niya sa IG post.

Andi Eigenmann ‘emosyonal’ sa pagtanggap ng parangal para kay Jaclyn Jose

PHOTO: Instagram Stories/@andieigengirl

Kung maaalala, noong March 2 nang sumakabilang-buhay si Jaclyn sa edad na 60.

Una itong kinumpirma ng kanyang talent management na PPL Entertainment noong March 3.

Kinabukasan naman ay opisyal na ipinaalam sa publiko ni Andi na myocardial infarction o heart attack ang sanhi ng pagpanaw ng batikang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa mga nagawang pelikula ni Jaclyn ay ang “Private Show” (1985), “White Slavery” (1985), “Itanong Mo Sa Buwan” (1988), “Machete II” (1994), “Sarong Banggi” (2005), at “Ma’ Rosa” (2016).

Sa telebisyon lumabas siya sa “The Legal Wife” (2014), “Maalaala Mo Kaya,” at “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending