Jaclyn nagparamdam kay Gabby bago ihatid sa huling hantungan

Jaclyn nagparamdam kay Gabby bago ihatid sa huling hantungan: Siya yun

Ervin Santiago |April 04,2024
facebook
share this

Jaclyn nagparamdam kay Gabby bago ihatid sa huling hantungan: Siya yun

Ervin Santiago - April 04, 2024 - 12:45 AM

Jaclyn nagparamdam kay Gabby bago ihatid sa huling hantungan: Siya yun

Gabby Eigenmann at Jaclyn Jose

BAGO ihatid sa huling hantungan ang labi ng yumaong veteran actress na si Jaclyn Jose ay nagparamdam muna ito kay Gabby Eigenmann.

Nakachikahan ng BANDERA kamakailam ang Kapuso actor sa grand mediacon ng pinakabagong teleserye ng GMA na “My Guardian Alien” na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Isa nga sa mga naitanong namin sa seasoned actor kung may pagkakataon bang nagpakita o nagparamdam sa kanya si Jaclyn.

“Sa akin yung huling-huling day, kumbaga one week yun, e. Sunday to Sunday (burol). There’s this smell lang na naaalala ko.

Baka Bet Mo: #Undas2023: Gabby Eigenmann chinika ang pagpaparamdam ng ama na si Mark Gil: ‘It was a good dream kahit malungkot’

“So, parang ‘Uy!’ (biglamg naamoy sa hangin). Hindi siya pabango, e. Basta ano siya, e…amoy na alam kong siya yun,” pagbabahagi ni Gabby.

Tinanong din ang kapatid ni Andi sa ama (yumaong aktor na si Mark Gil) kung hindi siya natatakot sa pagpaparamdam ni Jaclyn, “Hindi! Diyos ko! Alam n’yong chika kami nu’n! Ha-hahaha! No, honestly, we really love each other.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nami-miss din daw niya yung mga late-night conversation nila ni Jaclyn noong nabubuhay pa ito. Talaga raw naglalaan ng panahon ang nanay ni Andi para makachikahan ang mga mahal niya sa buhay.

Naalala ngang bigla ni Gabby yung naging usapan nila ng yumaong aktres nang manalo itong Best Actress sa Cannes Film Festival noong 2016 para sa pelikula ni Brilliante Mendoza na “Ma’Rosa.”

“Nakalimutan kong i-share nu’ng wake na noong nanalo siya sa Cannes, magkausap kami, sabi ko ‘Nasaan ka? Bakit hindi ka nakikipag-celebrate?’ Sabi niya, ‘Nandito na ako sa kuwarto, tulog na lahat ng tao.’

Baka Bet Mo: Daniel nagparamdam sa birthday ni Kathryn, mag-reply kaya ang ex-dyowa?

“Sabi ko sa kanya, ‘Ha? Bakit? Dapat nagpa-party ka.’ Tapos sabi niya, ‘E, sino bang magpa-party, e di siyempre si Andi. Ayun, nasa labas siya.’

“Tuwang-tuwa siya habang nag-uusap kami, nagkukuwento siya sa mga nangyari sa kanila sa Cannes. Kinausap daw siya nina Kirstin Dunst (Hollywood actress). Yung mga ganu’n, talagang sine-share niya sa amin.

“Yun talaga ang mga isa sa unforgettable moments ko with Tita Jane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano naman, she will always be remembered talaga, she will always be in my heart. Tandem kasi kami niyan, e, especially pagdating kay Andi, saka kay Ellie, lalo na sa batang yun,” pahayag pa ni Gabby na gaganap na kontrabida sa “My Guardian Alien.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending