Sa wakas, Leon Barretto nagparamdam na kay Dennis: Thank you Papa!
SIGURADONG abot-langit ang kaligayahan ngayon ng veteran comedian na si Dennis Padilla matapos magpasalamat sa kanya ang anak na si Leon Barretto.
Binati ni Dennis ang nag-iisang anak na lalaki kay Marjorie Barretto na nag-celebrate ng kanyang ika-21 kaarawan nito kahapon, April 2.
Sa Instagram, nag-post ang beteranong komedyante ng kanyang birthday message para kay Leon.
Kalakip nito ang selfie photo kung saan hawak niya ang mensahe para sa anak at ang throwback picture nilang mag-ama noong bata pa si Leon.
View this post on Instagram
Mensahe ni Dennis, “Dear Leon Marcux (tunay na pangalan ng anak)…
“Happy b-day anak.
“God bless you more.
“Papa, April 2/24.”
Ang inilagay naman niyang caption dito ay, “Dear Leon… Happy birthday anak!! Love you… Hope to see you soon (praying hands, cake, heart emojis).”
Baka Bet Mo: Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school
At sa unang pagkakataon makalipas ang mahabang panahong pangdedema sa kanyang tatay, nag-reply nga si Leon sa IG post ni Dennis.
“Thank you Papa (smiling, praying hands emojis),” ang sabi ni Leon.
Maraming natuwa sa palitan ng mensahe ng mag-ama na ang ibig ngang sabihin ay okay na uli sila tulad ng isa pang anak ni Dennis na si Julia Barretto na tumugon din sa isang IG post ng aktor.
“Thank God at ok na po kau sa papa nyo.. hopefully to see u reunite with ur papa together with ur sibs juju and clau,” sabi ng isang netizen.
View this post on Instagram
Ni-repost naman ni Leon sa kanyang Instagram Story ang birthday message sa kanya ng mga kapatid na sina Dani Barretto, Julia Barretto at Claudia Barretto.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Dani ay anak ni Marjorie sa aktor na si Kier Legaspi, habang sina Julia at Claudia ay kapatid ni Leon sa inang si Marjorie at sa amang si Dennis.
Samantala, madamdamin din ang ibinahaging mensahe ni Marjorie para sa nag-iisang anak na lalaki. Pagbati niya sa pamamagitan ng Instagram, “Happy 21st birthday to my only son Leon!! I can’t imagine a life without you, Kuya.
“You are everyone’s go to person. Our gentle giant, the best son, brother and friend! Thank you for all the hard work you put into school, Kuya. I appreciate how you make everything easier for me. I love you so much.
“My greatest wish and prayer for you, a bright future, good health and that you will be surrounded with all the right people around you. Cheers to 21!” ang buong post ni Marjorie.
Ang reply naman ni Leon sa kany, “LOVE U MOM.”
Sabi naman ni Marjorie, “You and me always. The best son one could ever have! Happy Birthday, Leon! I’m so blessed to be your Mom.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.