Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school Bandera

Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school

Reggee Bonoan |June 14,2021
share this

Julia tinulungan si Marjorie para makapagtapos ang kapatid sa magandang school

Reggee Bonoan June 14,2021 - 05:08 PM

SA pagtatapos ng nag-iisang anak na lalaki ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla na si Leon Baldivia ay ipinagmalaki ng proud mommy ang pitong medalya na natanggap nito.

Ipinost ni Marjorie ang larawan ni Leon na naka-toga kayakap siya kasama ang iba pang anak na sina Dani (anak niya kay Kier Legaspi), Claudia at bunsong si Erich.

Wala si Julia sa litrato dahil nasa lock-in taping ang dalaga para sa bago niyang serye na ipalalabas sa TV5 produced by Viva TV, Sari Sari and Cignal mula sa direksyon ni Andoy Ranay.

Pero hindi nakalimutang pasalamatan ni Marjorie si Julia dahil tinulungan siya nitong pag-aralin si Leon sa magandang eskuwelahan.

Sey ni Marjorie, “My son Leon graduated yesterday with High Honors. 7 medals. Mathematics Award, Social Science Award, Arts Award, Communication Arts Award, Teens Can Award and GAS TOP 2!

“Your sisters and I are so PROUD of you! Thank you Leon, for making it all worth it. Thank you God for seeing us throughout the last 14 yrs. Keep going Leon, you are on the right path. We love you so much!

“And special THANK YOU Julia for helping me put Leon in a good school. I couldn’t have done it all with out your help. You must be so proud too, and missing you so much,” sabi pa ng nanay ni Julia.

Pinasalamatan naman ni Leon ang ina sa magandang mensahe sa kanya, “Thank you so much mom! Love you always.”

Samantala, nagkomento naman ang ilang netizens sa post ni Marjorie tungkol sa graduation ng anak.

Pinayuhan ni @flower_fiona88 ang binatilyo, “@theleonbarretto mag pasalamat ka rin sa tatay mo dahil kung hindi dahil sa kanya wala karin ‘wag mong kalimutan ang tatay mo c Dennis Padilla kht ano pa mangyari tatay mo parin cya, love2.”

Sinegundahan ni @iamvirgo20 ang payo ni @flower_fiona88, “Tama po. Ung feeling na diko cla kaano ano pero ramdam ko ung gaano kasakit pag di kasama ang tatay sa dapat psalamatan.”

Nakahanap naman ng kakampi si Leon kay @joanaangeles7 na nagsabing, “@flower_fiona88 I am a mother pero di ko kailangan i obliga mga anak kong pasalamatan ako sa pagpapalaki ko sa kanila kasi responsibilidad ko mga anak ko ng nagdesisyon akong mag anak.

“Yung mga bata mga biktima yan sa pagkakamalinng magulang. Kaya huwag niyo silang pulaan if di magpasalamat sa tatay kasi di niyo alam ang pinagdaanan nila.

“Nagpapasalamat s’ya sa nanay kasi ‘yan ang nandyan sa tabi n’ya mula ng bata di niyo alam kung ano dinanas nila. If si Dennis ba nagbibigay man lang ng sustento sa pag aaral at pangkain nila mula ng iniwan sila. Huwag niyong bash mga anak ni Marjorie.”

Susog ni @analakwasera, “@joanaangeles7 yes true ang tanong nag paka tatay ba siya sa mga anak nya.? Oo nga siya ang ama ng tatlong anak ni Marjorie, pero ang tanong dyan kong ginampanan ba nya ang pagiging tatay nya. Dami nyong sinasabi wala naman kayong alam.”

Hirit din ng fan ni Julia na si @juliabaddict, “Kung tutuusin, his cousins, uncles, aunts have been their for him, so supportive. Asan ang tatay? Dali daling pumunta kung gusto, ang daling magpadala ng congratulatory gift kung gusto. Kung gusto may paraan, si Dennis puro dahilan at ngawa sa interviews.”

Anyway, hinanap namin sa mahigit 300 comments kung bumati si Dennis sa anak pero wala kaming nabasa. Baka naman personal na binati ng aktor si Leon at hindi na idinaan sa social media.

Samantala, pinatotohanan din ni @polamariaria kung gaano kagaling si Leon, “He was one of our test-taker on our educational platform K-12 (confidential company) he got a really good result among the other test-takers! Was really impress! Congrats!”

Congrats Leon Barretto! 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending