#Undas2023: Gabby Eigenmann chinika ang pagpaparamdam ng ama na si Mark Gil: ‘It was a good dream kahit malungkot’
NAGPARAMDAM ang yumaong batikang aktor na si Mark Gil sa kanyang anak na aktor na si Gabby Eigenmann.
‘Yan ang naikwento mismo ng aktor matapos siyang makachikahan ng BANDERA sa isang event.
Ngayong undas, naitanong namin kay Gabby kung sino sa mga celebrity na pumanaw ang gusto niyang makita uli.
Ang sagot niya, ito ay ang kanyang tatay at tiyahin na si Cherie Gil.
“My dad and Tita Cherie, usually,” sey ni Gabby.
Paliwanag niya, “Hindi ko naman sinasabi na dalawin nila ako in my sleep, but there’s so many things that I would want to say, but I say it even before I sleep, when I wake up, in everyday life.”
Baka Bet Mo: Mensahe ni Kakai Bautista sa yumaong Comedy King na si Dolphy: Ikaw talaga ang poste ng Philippine comedy!
“May mga days na I think of them. Marami akong gustong sabihin sa daddy ko. Parang, ‘look at me now. If it wasn’t for you, I would have been who I am today’,” sambit pa niya.
Patuloy niya, “Same din with my Tita Cherie na parang, ‘not too soon,’ ‘yung ganun na parang, ‘everyday is okay, we are all okay. And thanks to you na marami kaming natutunan,’ mga ganun.”
Kasunod niyan ay ibinunyag na nga ni Gabby na minsan ay nagparamdam sa kanya ang kanyang tatay sa kanyang panaginip.
Ito, aniya, ang araw na pumanaw ang kapatid nito at batikang aktres na si Cherie.
“Alam mo, when Tita Cherie passed away, hindi pa nga siya ang nagparamdam e, it was my dad,” chika niya.
Kwento pa niya, “Napaginipan ko si daddy na parang he was doing okay and parang ayaw niyang ipahiwatig na may kasama na siya, pero kapag paghihimay-himayin mo, ‘yun ang gusto niyang sabihin na, ‘kasama ko na si Tita Cherie,’ ‘yung ganun. It was a good dream kahit malungkot man.”
View this post on Instagram
Kung maaalala, September 2014 nang pumanaw si Mark sa edad 52 dahil sa liver cirrhosis.
Bukod kay Gabby, ang ilan pang mga anak ni Mark ay sina Andi Eigenmann at Sid Lucero.
Ang mga kapatid niya ay mga kilala ring artista na sina Michael de Mesa at Cherie Gil.
Ang huling proyekto ng batikang aktor ay ang teleseryeng “The Legal Wife” ng ABS-CBN at “My Husband’s Lover” sa GMA.
Samantala, August 2022 naman nang sumakabilang-buhay ang movie icon na si Cherie sa edad 59 dahil naman sa rare form of endometrial cancer.
Matatandaan na noong February 2022 nang iwanan ni Cherie ang Pilipinas at lumipad papuntang Amerika para makasama ang kanyang pamilya at doon na manirahan.
Nakilala ang aktres sa kanyang iconic roles sa “Oro, Plata, Mata” at “Bituing Walang Ningning.”
Related Chika:
Francis M ‘nagparamdam’ kay Maxene Magalona, nakatanggap ng ‘regalo’ sa mismong kaarawan ng ama
Awra Briguela ‘nagparamdam’ na sa socmed matapos maaresto at makulong; todo promote sa bagong serye
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.