Mensahe ni Kakai Bautista sa yumaong Comedy King na si Dolphy

#Undas2023: Mensahe ni Kakai Bautista sa yumaong Comedy King na si Dolphy: Ikaw talaga ang poste ng Philippine comedy!

Pauline del Rosario |October 28,2023
facebook
share this

#Undas2023: Mensahe ni Kakai Bautista sa yumaong Comedy King na si Dolphy: Ikaw talaga ang poste ng Philippine comedy!

Pauline del Rosario - October 28, 2023 - 05:31 PM

Mensahe ni Kakai Bautista sa yumaong Comedy King na si Dolphy: Ikaw talaga ang pose ng Philippine comedy!

PHOTO: Instagram/@ilovekaye

TILA lumabas ang pagiging fangirl ng comedienne-actress na si Kakai Bautista nang tanungin ng BANDERA kung sino sa mga yumaong celebrity ang nais niyang makita muli.

Para sa kanya, ang Comedy King na si Dolphy ang nais sana niyang makatrabaho.

“Pangarap ko talagang makatrabaho si Tito Dolphy. Kasi sobrang fan ako ni Tito Dolphy, ni Tito Panchito, ni Tito Babalu,” sagot niya sa min.

Kasabay niyan ay naikuwento pa niya na may pagkakataon na magkikita sana sila ng iconic comedian, ngunit hindi lang daw siya nakasipot dahil naging busy siya.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya

“Merong isang chance na pupunta dapat kami sa shoot dahil nagkaroon ng movie si Maja, hindi na ako nakapunta kasi meron din akong commitment,” chika niya.

Patuloy niya, “So nag-regret ako na hindi nakapunta kasi –hindi ko siya makakatrabaho, pero alam mo ‘yun, ‘yung makakausap ko siya and all.”

Kasunod niyan ay hindi na pinalampas ni Kakai ang makapagbigay ng mensahe para sa kanyang iniidolo.

“So kung magkakaroon ako ng chance to talk to Tito Dolphy and see him again, ‘Tito Dolphy, grabe! Ikaw talaga ang poste ng Philippine comedy. Ikaw talaga. Hindi naluluma ‘yung mga jokes mo, hindi naluluma ‘yung mga pelikula mo even your series’,” sey niya.

Binaggit din ng aktres ang ilan sa mga proyekto ni Dolphy na talagang sinubaybayan niya noon.

“Sobrang fan ako ng ‘Home Along Da Riles,’ hindi kita talaga nami-miss. When I was young ‘John En Marsha’ and then ‘Home Along’,” sambit niya.

Aniya pa, “My God Tito Dolphy, I hope you’re happy wherever you are right now.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang noong July 2012 nang pumanaw si Dolphy o si Rodolfo Vera Quizon Sr. sa edad na 83 dahil sa sakit niyang obstructive pulmonary disease.

Ilan sa mga programang pinagbidahan niya maliban sa “Home Along Da Riles” at “John En Marsha” ay ang Mars Ravelo’s “Facifica Falayfay” at ang Lino Brocka-helmed movie na “Ang Tatay Kong Nanay.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie tinulungan noon si Dolphy, sey ni Cristy Fermin: Kaya laging pinagpapala si Willie ay dahil butas ang palad niya

Maricel napagalitan ng direktor dahil na-late ng 10 minutes sa shooting; bakit tinawag na bruha ni Dolphy?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending