Holloween 2024: Bakit 'Undas' ang tawag sa All Saints' Day?

Holloween 2024: Bakit nga ba Undas ang tawag sa All Saints’ Day?

Ervin Santiago - October 29, 2024 - 12:10 AM
Holloween2024: Bakit nga ba Undas ang tawag sa All Saints' Day?

MGA ka-BANDERA, knows n’yo ba kung bakit Undas ang tawag sa paggunita ng mga Pinoy sa All Saints’ Day at All Souls’ Day?

Ito ang magkasunod na araw (Araw ng mga Santo, November 1 at Araw ng mga Kaluluwa, November 2) kung saan inaalala natin ang mga pumanaw nating mga mahal sa buhay.

Nakagawian na rin ng mga Filipino ang pagdalaw sa namayapa nating mga kapamilya at kaibigan sa mga sementeryo kung saan sila nakalibing.

Dito, tinitirikan ng kandila ng mga nagtutungo sa sementeryo ang puntod ng kanilang namayapang mga mahal sa buhay.

Baka Bet Mo: Sarah Lahbati ibinandera ang ‘pagwawaldas’, pang-asar kay Annabelle?

Marami rin ang nag-aalay ng mga bulaklak sa kanilang mga kapamilyang nakalibing kasabay ng taimtim na pagdarasal.

Pero bakit nga ba “Undas” ang naging tawag sa All Saints’ Day dito sa Pilipinas?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon sa professor ng Philippine Studies na si Schedar Jocson, naging gawi na raw ng mga Pinoy na paikliin ang mga salitang nakukuha o namamana sa ibang lahi.

Paliwanag ni Jocson, noong panahon umano ng mga Kastila, ang tawag sa paggunita sa mga santo ng simbahan ay “Dia Delos Todos Santos” na mula sa Spanish language na ang ibig sabihin sa English ay “All Saints’ Day.”

Base naman sa isa pang pag-aaral,  ang “Dia Delos Todos Santos” ay hango sa salitang Spanish na ang meaning ay “Honrar” o “to honor.”

“Honras” naman ang “noun” o “pangngalan” na ang ibig ipakahulugan ay isang taong nagbibigay-pugay.

Pero dahil hindi raw nahihirapan ang mga Pilipino na bigkasin ang mga nasabing salita, pinaikli ito ng ating mga ninuno sa “Honras” hanggang sa naging “Undas” sa katagalan ng panahon.

“Yung mga Pilipino noon, dahil hindi nakapag-aral ng wikang Kastila, pinaiikli na lang yung mga pahayag. Undas means Dia Delos Todos Santos o ang ibig sabihin ay Day of All Saints,” paliwanag ni Jocson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa mga nagtatanong kung ano ang pinakamatandang sementeryo sa Metro Manila,  ayon kay Jocson yan ay ang La Loma Cemetery.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending