Mga pelikula na magpapatalbugan ngayong Undas

‘Five Nights at Freddy’s’, ‘The Tunnel to Summer’, ‘The Exit of Goodbyes’ magpapatalbugan ngayong Undas

Pauline del Rosario - November 02, 2023 - 04:34 PM

‘Five Nights at Freddy’s’, ‘The Tunnel to Summer', 'The Exit of Goodbyes’ magpapatalbugan ngayong Undas

PHOTOS: Courtesy of ‘Five Nights at Freddy’s’, ‘The Tunnel to Summer’, ‘The Exit of Goodbyes’

JUST in time ngayong undas, mapapanood na sa mga lokal na sinehan ang horror movie na “Five Nights at Freddy’s.”

Para sa mga hindi masyadong aware, ang pelikula ay hango sa isang sikat na horror game na may kaparehong titulo na inilabas noong 2014.

Katulad sa scenario ng mismong laro, ang kwento ng pelikula ay iikot sa isang newly-hired security guard na nagbabantay ng abandoned theme restaurant na “Freddy Fazbear’s Pizzeria.”

Baka Bet Mo: ‘Thrill Fest’ ibabandera ang director’s cut ng ‘The Exorcist’, ilang bagong horror movies

Hindi lingid sa kaalaman ng guwardiya na nababalot ng mga kababalaghan ang nasabing lugar at kabilang na riyan ang mga batang nawawala na hindi na nakikita pang muli.

Tampok sa pelikula sina Josh Hutcherson, Elizabeth Lail, Kat Conner Sterling, Piper Rubio, Mary Stuart Masterson at Matthew Lillard.

Habang ang mga iconic animatronic characters na tampok sa horror film ay ginawa ng American puppeteer at animator na si Jim Henson ng Creature Shop.

Para naman sa mga mahilig sa anime diyan, palabas na rin sa sinehan ang “The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes.”

Ang kwento ng pelikula ay inspired sa award-winning novel ng kaparehong titulo na isinulat ni Mei Hachimoku at illustrated by Kukka.

“‘The Tunnel to Summer, The Exit of Goodbyes’ leads two young people to Urashima Tunnel, a mysterious tunnel that can grant one’s fondest wish but with a price,” ayon sa synopsis na inilabas ng film distribution and production company na Encore Films. 

Kwento pa, “High school student Kaoru is plagued by a troubled past and fatefully teams up with Anzu, a girl who struggles to place obligations before her dreams. Destined to meet to unravel the mystery of the tunnel, Kaoru and Anzu learn along the way about young love and bending time itself.” 

Ang main characters ay binosesan nina Ouji Suzuka at Marie Iitoyo.

  

Ang anime film ay nagwagi ng “Paul Grimault Prize” sa Annecy International Animation Festival na ginanap sa France ngayong taon.

Bukod diyan, umani rin ito ng 100% fresh rating sa Rotten Tomatoes na mula pa sa mga kritiko at manood na nanggaling pa sa Japan at ilan pang bansa. 

Ang ilan lamang sa mga pinuri nila ay ang visuals, voice acting, sound design, at pati na rin ang pagkakasulat ng istorya nito.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anime films aarangkada sa mga sinehan sa Nobyembre, anu-ano ang mga aabangan?

#Undas2023: Mensahe ng mga ka-BANDERA para sa mga yumaong mahal nila sa buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending